Default Thumbnail

38 katao na may iba’t-ibang kaso tiklo sa Laguna

January 27, 2024 Gil Aman 90 views

KAMPO Heneral Paciano Rizal–Umabot sa 38 katao na may ibat-ibang kaso ang inaresto sa isang buong araw na anti-criminality operation ng Laguna police noong Biyernes.

Ayon kay PCol. Gauvin Mel Unos, acting Philippine National Police provincial director, laban sa iligal na droga, illegal gambling at sa lahat ng wanted sa Laguna ang operasyon.

Walo katao ang naaresto sa illegal na droga.

Nasamsam sa mga suspek ang higit kumulang na 2.75 gramo ng hinihinalang shabu na may kabuuang halaga na P18,700.

Nakapagtala ng siyam na operasyon sa anti-illegal gambling operation na nagresulta sa pagkaaresto ng siyam na suspek.

Kumpiskado sa mga suspek ang bet money na may kabuuang halaga na P5,994.

Arestado ang dalawang may kasong rape at apat pang suspek sa iba’t-ibang kaso.

Ayon kay PCol. Unos: “Mas paiigtingin pa ang operasyon laban sa mga krimen sa Laguna.”

AUTHOR PROFILE