Default Thumbnail

32 Daulah Islamiyah members sumuko sa BARMM

January 20, 2023 Zaida I. Delos Reyes 173 views

SUMUKO ang may 32 miyembro ng teroristang grupo na Daulah Islamiyah (DI) na nago-operate sa Maguindanao upang makapamuhay ng normal at makalahok sa programang mayroon ang gobyerno para sa mga nagbabalik-loob sa batas.

Ayon kay Brig. Gen. John Fuyguyon, director ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), ang mga dating terorista ay pormal na tinanggap sa pamamagitan ng isang simpleng seremonya sa headquarters ng Camp SK Pendatun, Parang, Maguindanao del Norte nitong Huwebes.

Kabilang sa mga sumuko ang 30 miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) at dalawang miyembro nf DI-listed private armed group (PPAG) na pinamumunuan ng kanilang leader na si Mohammad Andoy.

Isinuko din ng mga nagbabalik-loob ang 33 high-powered firearms kabilang ang walong sniper rifles, dalawang 60 mm mortar launch pads at mga improvised explosive device (IEDs) at mga granada.

Sinabi ni Guyguyon na ang 30 miyembro ng BIFF ay mula sa Karialan at Bungos factions na pawang mga kumikilos sa Maguindanao del Siur at karatig na mga bayan ng Sultan Kudarat at North Cotabato.

Ang dalawang dating miyembro naman ng DI-PPAG ay kumikilos sa Pagalumgan, Maguindanao del Sur.

Ayon sa opisyal, ang patuloy na “pressure” na hinaharap ng BIFF at ang kawalan ng kumpiyansa at kakuntentuhan sa kanilang leader ang dahilan upang sumuko at nagpasyang magbalik-loob na lamang sa gobyerno ang mga dating terorista.