Default Thumbnail

3 miyembro ng ‘gun running’ group tiklo

May 27, 2023 Gil Aman 186 views

TATLO kataong hinihinalang miyembro diumano ng “gun running syndicate” ang arestado at sianasabing kasapi sa isang “potential private armed group” o PPAG sa ikinasang buy-bust operation ng Laguna Police Intelligence Unit (PIU) at Siniloan police araw ng Biyernes sa Barangay Halayhayin, Siniloan, Laguna.

Sa ulat ni OIC (Officer-in-Charge) Police Provincial Director Col. Randy Glenn Silvio kay Police Regional Office (PRO) 4-A Director P/BGen. Carlito Gaces, dakong alas 11:45 ng umaga ng isagawa ng Laguna PIU at Provincial Special Operations Unit at Siniloan police ang nasabing operasyon hinggil sa mga loose firearm kasunod sa pagkarekober ng baril.

Sakay ang mga suspek ng isang kulay itim na Mitsubishi Mirage sedan, dagdag ng ulat.

Narekober ng mga operatiba mula sa tatlong suspek ang isang caliber .45 na ibinenta umano ng mga ito sa isang poseur buyer kapalit ng markadong salapi.

Kasunod rin nakumpiska ang isang caliber .45 Colt M1911 A1 US Army pistol na kulay itim na may serial number, isang piraso ng caliber .45 magazine na may pitong live ammunition, at isang cellphone.

Nabawi rin ang isang caliber .38 Armscor revolver na may anim na bala gayundin ang buy-bust money na ginamit sa operasyon.

AUTHOR PROFILE