Default Thumbnail

3 lalaki nasakote sa Tondo buy-bust

March 5, 2022 Jonjon Reyes 1163 views

DALAWA sa tatlong lalaki ang nasa drug watchlist ng pulisya ang binitbit ng mga operatiba ng Manila Police District-Station Drug Enforcement Team (MPD-SDET) nitong hapon ng Biyernes sa Tondo, Maynila.

Kinilala ang mga suspek na sina Felix Amahan Jr., 52, may asawa at vendor, Allan Velilla, 42, may asawa at helper, kapwa residente sa Barrio Menu Street, Dagupan, Tondo.

Samantala inaresto din ang sinasabing buyer ng droga na si Mark Lopez, 30, construction worker, ng Quiricada St., Sta. Cruz sa Maynila.

Ayon sa ulat ni P/Lt. Col. Harry Ruiz Lorenzo lll, commander ng MPD-Station 2, bandang alas-4:20 ng hapon nang ikasa ang buy-bust operation sa Barrio Menu, Dagupan St., sakop ng Bgy. 49 Tondo.

Dahil sa umano’y talamak ang bentahan ng iligal na droga sa lugar, iniutos ni Lorenzo III kay P/Lt. Jomar De Belen, hepe ng MPD-SDET na magsagawa ng Simultaneous Anti-Criminality and Law Enforcement Operation (SACLEO) at isa sa tauhan nito ang nagpanggap na buyer.

Nang magkaabutan, sabay-sabay na dinamba ang mga suspek ng iba pang mga operatiba na kung saan nakasamsam ng 5 bulto ng plastic sachet ng shabu na may timbang na 8 gramo at may street value na P54,400.

Bukod pa rito nakuha pa ang ginamit na marked money na dalawang piraso ng P100.

Isinumiti ni P/Cpl.John Paul Peralta, may hawak ng kaso, ang mga ebidensiya sa Duty Inquest Fiscal at nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Section 5 at Section 11 (Sale and Possession of Dangerous Drugs), Article II ng Republic Act 9165 na walang piyansa sa mga nagtulak habang may piyansang inilaan ang korte sa nahuling parukyano na si Lopez. Nina Jon-jon Reyes at C.J Aliño

AUTHOR PROFILE