Default Thumbnail

c na groceries sa damit, nabuking ng sekyu

March 5, 2022 Edd Reyes 205 views

CALOOCAN CITY – Huli sa tangkang pangungulimbat sa loob ng malaking supermarket ang 25-anyos na babae nang mahalata ng security officer ang mga itinago niyang produkto sa loob ng suot na damit, Biyernes ng gabi sa Caloocan City.

Palabas na ng loob ng Puregold Monumento sa Samson Road, Bgy. 76 ang suspek na si Jocelyn Bartolome, residente ng Letre Road, Malabon City nang sitahin ng security guard na nakatalaga sa exit door dahil sa kahinahinalang kilos.

Nang isailalim sa pagrerekisa, dito na tumambad ang mga produktong kinabibilangan ng isang malaking powdered milk, 5 produkto ng virgin coconut oil at 2 virgin oil na may kabuuang halagang P3,584.

Sa kabila ng pagkakadiskubre sa ginawang pagtatago sa loob ng kanyang damit ng mga tinangay na produkto, hinanapan pa rin ng security guard ng resibo ang suspek sa kanyang mga kinulimbat at nang wala siyang maipakita, dito na siya tuluyang inaresto ng mga security personnel at dinala sa himpilan ng pulisya ng Caloocan City.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Article 308 ng Revised Penal Code o pagnanakaw na isinampa ng kinatawan ng naturang pamilihan.

AUTHOR PROFILE