Arestado Ang mga naarestong suspek at ang mga sandatang nakumpiska mula sa kanila. Kuha ni JON-JON C. REYES

3 kelot timbog sa bitbit na baril, pang-gripo habang nagsusugal

October 25, 2023 Jonjon Reyes 159 views

TIMBOG ang tatlong lalaki na armado ng isang improvised na baril at tig-isang patalim habang naaktuhang nagsusugal sa isang iskinita sa Gate 18 Parola Compound, Barangay 20, Tondo, Manila, Miyerkules ng madaling araw..

Ang mga naarestong suspek ay isang helper, 32 , binata, ng Tanza, Cavite; porter, 3 binata, at isa pang binata, 29, kapwa mga residente ng Parola Compound, Tondo

Base sa ulat ni Police Staff Sargent Charmaine Duenas, ng Police Community Precinct 3 bandang 12:15 ng madaling araw nang dambahin ang tatlo habang naglalaro ng cara y cruz.

Nabatin kay Police Captain Marvin Manalo, hepe ng PCP 3, nagsasagawa ng Oplan Galugad at Simultaneous Anti- Criminality Law Enforcement Operation (SACLEO) ang kanyang mga tauhan nang siyasatin ang mga kalalakihan. Dito nadiskubre na may mga dalang improvised na baril na may kargang dalawang bala ng 45, at mga patalim ang mga suspek.

Ang mga suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa PD 1602, BP 6 at Republic Act (RA )1059 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act), in Relation to Omnibus Election Code.

AUTHOR PROFILE