Default Thumbnail

3 kelot tiklo sa sugal, boga sa Maynila

October 27, 2023 Jonjon Reyes 143 views

TIMBOG ang tatlong lalaki na armado ng improvised na baril habang nagsusugal sa Radium St., Brgy. 775, San Andres Bukid, Maynila noong Miyerkules.

Nakilala ang mga naaresto sa mga alyas na Jhon Arcen, 32, ng Oro Extension, Brgy. 790, Sta. Ana, Maynila; Ludivino, 52, ng 2412 Iridium St., Brgy. 779, Sta. Ana, Maynila; at Russel, 28, ng 2515 Radium St., Brgy. 775, San Andres Bukid, Maynila.

Base sa ulat ni Police Lt. Col. Jason Aguilon, commander ng MPD-Sta. Ana Station 6, bandang 10:45 ng gabi nang magsagawa ng operation ang mga operatiba ng Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operations (SACLEO) sa nasabing lugar.

Habang nandoon na ang mga pulis, isang concerned citizen ang lumapit sa kanila at iniulat na may mga nagsusugal sa Radium St. sa Brgy. 775.

Matapos maberipika ang nasabing impormasyon,agad na nagtungo sa lugar ang mga pulis.

Pagdating doon, nakita ang mga suspek sa aktong nagsusugal ng dice game kaya agad na inaresto ang tatlong lalaki.

Nakumpiska sa mga suspek ang bet money na P520 at dalawang dice.

Nakumpiska rin mula kay Ludivino ang isang pen gun na kargado ng isang bala.

AUTHOR PROFILE