Default Thumbnail

2022 revenue collection ng BoC, wagi!

January 15, 2023 Vic Reyes 213 views

Vic ReyesKAGAYA ng inaasahan, opisyal ng nakapag-rehistro ang Bureau of Customs (BoC) ng kanilang pinakamalaking taunang “revenue collection” sa kanyang kasaysayan.

Ito ay nangyari noong 2022 nang makalikom ang BOC, na pinamumunuan ni Commissioner Yogi Filemon Ruiz, ng P862.929 bilyon na buwis, taripa at iba pang charges.

At ito rin ang kauna-unahang pagkakataon na lahat ng 17 collection districts ng ahensya sa buong bansa ay nagawang lampasan ang kani-kanilang taunang collection targets.

Ang mga ito’y nangyari sa ilalim ng bagong administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr., na umupo sa Malakanyang noon lang tanghali ng Hunyo 30, 2022.

Matatandaan na isa sa unang marching orders ni Pangulong Marcos kay Commissioner Ruiz ay ang pagsugpo ng ismagling at korapsyon para mapalaki ang kita ng ahensya.

At pinatindi nga ni Ruiz ang kampanya laban sa ismagling at korapsyon na nagbunga sa pinakamalaking revenue collection ng BoC.

“The BOC achieved its highest annual revenue collection in history amounting to P862.929 billion, exceeding its P721.52 billion target by 19.6 percent or P141.409 billion,” ayon sa BOC.

Ang dagdag na revenues ay kinabibilangan ng P22.813 bilyong rice tariff collection at P292 milyon na pumasok sa kaban ng BoC galing pagsubasta ng mga overstaying cargoes sa aduana.

Kung magpapatuloy ang magandang performance ng ahensya ay walang dahilan kung bakit hindi natin makakamit ang isang P1 trilyong revenue collection sa mga susunod na taon.

Hindi naman siguro masama ang mangarap. Hindi ba, Vice President Sara Z Duterte?

***

Noong Miyerkules, Enero 11, ay naganap ang taunang “New Year’s Call” sa Bureau of Customs (BoC), ang pangalawang pinakamalaking tax collector ng bansa.

“It is a tradition for top officials to call on the BoC chief and celebrate the agency’s accomplishments for the past year,” ayon sa press statement.

Nire-affirm ng mga opisyal ang kanilang commitment “to the core mandates of enhancing trade facilitation, strengthening border protection and boosting revenue collection.”

Maliban sa pinakamataas na taunang koleksyon, ang isa pang accomplishment ng ahensya noong nakaraang taon ay ang implementasyon ng PAS6 System.

“The system ensures accurate and immediate exchange of transaction information on the assessment details of payable duties and taxes,” ayon sa BOC.

Kasama rin sa accomplishment ng ahensya ang pagbubukas ng bagong opisina ng tinatawag na Authorized Economic Operator (AEO).

Nandiyan din ang makasaysayang pagpirma ng unang “mutual recognition on AEO” sa China customs

Ang AEO ay isang partnership program “pursued globally by most customs administrations to secure and facilitate trade by providing incentives to traders with improved supply chain security.”

Determinado ang liderato ng BoC, sa pamumuno ni Commissioner Ruiz, na dating “illegal drug buster” sa Visayas, na lalong pagandahin pa ang serbisyo sa aduana

Ito ay pagtalima sa utos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong”R. Marcos Jr. na walisin na ang ismagling, korapsyon at iba pang kalokohan sa waterfont.

***

Tuloy-tuloy ang ginagawa ni Pangulong Marcos na pagpapalit ng mga opisyal na tutulong sa kanya para makamit ang kanyang mga minimithi bago matapos ang kanyang termino.

Naniniwala tayo na walang bahid politika ang ginagawa ng nag-iisang lalaking anak ni yumaong Presidente Ferdinand E. Marcos at dating First Lady Imelda R. Marcos.

Sa tingin natin ay kaunting panahon na lang at makukumpleto na ni Pangulong Marcos ang mga pagbabagong ginagawa niya para mapabilis ang takbo ng “BBM Express.”

Hindi sasayangin ni Pangulong Marcos ang boto ng mahigit na 31 milyong Pinoy na bumoto sa kanya noong nakaraang eleksyon.

Lalong hindi niya magagawang isakripisyo ang kapakanan ng mga naghihirap na taumbayan, kabilang na ang mga mahihirap hindi lang sa syudad kundi sa buong bansa,

Sa mga walang silbing lingkod-bayan, pasensya na lang kayo kung pagwawalisin kayo ng Ilokanong Chief Executive na taga-Ilocos Norte at Leyte.

Ang mabuti pa’y lumayas na lang kayo sa gobyerno bago kayo maisama sa pagwawalis ni Apo Marcos.

Tama ba kami, Senadora Imee Marcos?

(Para sa inyong komento at suhestiyon, tumawag o mag-text sa #0917-8624484/email: [email protected]. Ilagay lang ang buing pangalan at tirahan.)

AUTHOR PROFILE