Default Thumbnail

2 ‘tirador’ ng kable ng PLDT huli sa akto

September 4, 2022 Jonjon Reyes 533 views

NAKUNAN sa Closed Circuit Television ( CCTV) ng barangay, ang dalawang lalaki na nilalagare ang kable ng Philippine Long Distance Telecomunication (PLDT) bandang 9:30 p.m. ng Sabado sa España Boulevard sa Sampaloc, Manila.

Kinilala ang dalawang suspek na sina Tito Arce, 61, binata, at Ali Andre Sarip, 22 ; kapwa residente ng Miguelin St., Sampaloc.

Isang Sulaiman Oddin, 26, binata at Asset Protection Specialist GMM South Asset Protection Division ng PLDT sa Legaspi St. sa panulukan ng Dela Rosa St., San Lorenzo St., Makati City, ang tumayong complainant laban sa dalawa.

Naaktuhan din ang dalawang suspek na binabalunbon ang 20 putol putol na kable ng PLDT na aabot ng 10 metro na isinisild sa sako at nagkakahalaga ng P57, 277.46.

Narekober din ang isang aluminyong hagdanan at lagareng bakal mula sa mga suspek na itinurn over sa Station 4.

AUTHOR PROFILE