Default Thumbnail

MPD station commanders binalasa para palakasin hanay ng pulisya

September 4, 2022 Jonjon Reyes 818 views

UPANG mas lalung palakasin ang hanay ng kapulisan ng Manila Police District, binalasa ni MPD Director, Police Brigadier General Andre Perez Dizon ang anim na station commanders makaraang isagawa ang turnover ceremony sa MPD Headquarters sa United Nations Avenue, Ermita Manila.

Si P/ Lt.Col.Jonathan Villamor ay inilagay sa Jose Abad Santos Police Station 7; si PLt.Col.Ramon Czar Solas ay Station 3 commander; si PLt.Col. Robert Domingo ay na-assign sa District Intelligence Division Management (DIDM); si PLt.Col. Jay Doles sa Station 4 sa Sampaloc, Manila; si PLt.Col.Restituto Acohon ay Station 12 commander; si PLt.Col.Maria Agbon ay bagong Pandacan Police Station 10 commander.

Si PLt. Col. Magno Gallora Jr. ay maraming naging accomplishment nsa Binondo. Lubos naman ang pasasalamat niya sa Peoples Tonight at Peoples Journal dahil sa walang sawang suporta sa kanilang mga adhikain at mga programa. Kapalit niya si PLt.Col. Rexson Layug bilang bagong hepe ng MPD Station 11.

Ayon kay Dizon, layunin ng pulisya na palakasin pa ang kanilang hanay upang paigtingin ang seguridad ng lungsod at ipagpatuloy ang maayos at mapayapang paglilingkod sa kani-kanilang mga area of responsibility.

AUTHOR PROFILE