Default Thumbnail

2 tirador ng cellphone Tiklo sa Divisoria

November 10, 2022 Jonjon Reyes 357 views

DALAWANG suspek na snatcher ang natimbog sa inilatag na hot pursuit operations ng mga tauhan ng Dagupan Police Outpost, sakop ng Moriones Police Station ng Manila Police District (MPD), makaraang manghablot ng cellphone ng isang estudyante sa Juan Luna Street Tondo, Maynila.

Ayon sa ula ng pulisya, habang nakasakay sa dyip ang biktima ay bigla na lang lumapit ang isang lalaki at sabay hugot sa hawak nitong cellphone na agad tumakbo palayo kasama ang kasabwat nito na “lookout.”

Nagtungo naman agad ang biktima sa Dagupan Police Community Precinct (PCP) sa ilalim ni P/SSgt. Gerardo Tubera, PCP commander, para magsampa ng reklamo.

Agad naman nagsagawa ng follow-up operation sina Tubera at iba pa sa pagtugis sa dalawang snatcher.

Ininguso naman ng ilang testigo sa mga awtoridad at dahil sa kuha ng CCTV (closed-circuit television) camera sa lugar, nakita ang dalawang suspek sa Divisoria.

Kahit na nabawi ang cellphone ng biktima ay itutuloy pa rin nito ang kaso laban sa mga naarestong suspek.

Agad namang pinuri at pinasalamatan ni MPD Director P/Brig. Gen. Andre P. Dizon ang mga kapulisan ng Station 2 sa pamumuno ni P/Lt. Col. Harry Lorenzo III at si Tubera ng Dagupan PCP dahil sa mabilis na aksyon nito sa insidente.

AUTHOR PROFILE