Crime

2 TINODAS BAGO MAGSIMULA BOTOHAN

October 30, 2023 Zaida I. Delos Reyes 236 views

2 eskwela nasunog din sa Maguindanao

DALAWA ang patay habang apat na iba pa ang nasugatan matapos pagbabarilin ng isang grupo ng kalalakihan, bago ang pormal na pagbubukas ng botohan sa Datu Odin sa Sinsuat, Maguindanao.

Nakilala ang mga nasawi na sina Juhaimin Ube at isang alyas “Mistake,” habang sugatan naman sina Mohalidin Solaiman, Jerik Alon, Nasrudin Salik at Harong Tating.

Pinaghahanap naman ang mga suspek na nakilalang sina alyas “Mok” at tatlo pang katao.

Batay sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-6 ng umaga sa Barangay Bugawas.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya sa insidente.

Samantala, sa Maguindanao pa rin, dalawang araw bago ang eleksyon ay dalawang eskwelahan ang nasunog.

Sinabi ni Commission on Elections chairman George Garcia na ang mga eskwelahan ay gagamitin sana bilang polling places.

Ang mga paaralan na nagkaroon ng sunog ay matatagpuan sa Bgy. Ruminimbang sa Barira, Maguindanao del Sur, at Bgy. Poblacion sa Dalican, Datu Odin, Sinsuat, Maguindanao del Sur.