Bong Go

Bong Go: Wastong nutrisyon, pundasyon ng bawat Pilipino

October 30, 2023 People's Tonight 177 views

Bong GoBong GoBINIGYANG-DIIN ni Senator Christopher “Bong” Go, chairperson ng Senate Committee on Health and Demography, na ang wastong nutrisyon ay isang pundamental na aspeto ng kagaling at pagmamantine ng pangkalahatang kalusugan lalo ng mga pasyente at mga nasa medical community.

“Dapat nating tiyakin na ang ating mga pasyente, gayundin ang ating mga manggagawa sa pangangalagang pangkalusugan at mga frontliners, ay may access sa masustansyang pagkain sa mga panahong ito ng pagsubok,” ani Go..

“Ang importante ay may laman ang tiyan ng ating mga kababayan. Unahin natin ang kapakanan ng mga mahihirap. Sikapin nating walang magutom sa kanila,” iginiit ni Go.

Kamakailan ay nagsagawa si Go ng iba’t ibang feeding initiatives para sa mga pasyente, hospital workers, at frontliners sa mga pampublikong ospital na may Malasakit Centers, upang isulong ang kahalagahan ng wastong nutrisyon para sa mga Pilipino.

“Nais kong bigyang-diin ang kahalagahan ng wastong nutrisyon sa ating mga kababayan. Alam po natin na sa pagkain tayo kumuha ng lakas, kalusugan, at proteksyon laban sa iba’t ibang sakit. Kaya naman, patuloy tayong tumutulong sa mahihirap upang sikaping ang Pilipino ay may access sa sapat at masustansiyang pagkain,” giit ni Go.

Naniniwala si Go na ang malusog na katawan ay isa sa mga pundasyon ng pag-unlad ng bawat pamilyang Pilipino.

Nakarating na ang feeding program ni Go sa iba’t ibang ospital na may Malasakit Centers sa buong bansa. Ang pagsasama ng nutritional support sa mga sentrong ito ay higit na nagpapatibay sa pangako niya na holistic na pangangalagang pangkalusugan.

“Lagi kong ipinapaalala bilang Chair ng Senate Committee on Health na may mga aspeto ng tamang nutrisyon para mapanatili ang pangkalahatang kalusugan ng isang tao. Mahalaga ito lalo na sa mga pasyente para mas mabilis silang gumaling sa kanilang mga karamdaman, at maging sa mga nagtatrabaho sa medical community na siyang nag-aalaga sa mga pasyente,” paliwanag ni Go.

Ang grupo ni Go ay nag-organisa ng feeding initiatives sa pamamagitan ng rice porridge o lugaw distribution, bukod sa iba pa, sa iba’t ibang pampublikong ospital sa Metro Manila. Naabot na nila ang ilang ospital sa mga lalawigan ng Pampanga, Bulacan, Batangas, Cavite, Laguna, at Rizal.

Sa Visayas, maraming pasyente, manggagawa sa ospital, at frontliners mula sa mga lalawigan ng Cebu, Aklan, at Antique ang nakinabang din sa feeding initiative. Noong nakaraang Oktubre 7, personal na bumisita ang senador sa Cebu City Medical Center (CCMC) kung saan personal niyang inihain ang pagkain sa 400 indibidwal, kinabibilangan ng mga pasyente at kawani ng ospital.

Sa Mindanao, nakarating din ang team ni Go sa mga ospital sa Misamis Oriental, Lanao del Sur, Lanao del Norte, Bukidnon, Davao del Norte, Davao del Sur, Davao de Oro, Cotabato City, Surigao del Sur, Agusan del Norte, at Sultan Kudarat.

AUTHOR PROFILE