Posas

2 solvent boys sinagip ng MPD cops

October 19, 2023 Jonjon Reyes 162 views

TIMBOG sa mga pulis ang dalawang lalaki nang maaktuhang sumisinghot ng solvent sa kanto ng Claro M. Recto Avenue at Lara St., sa Binondo, Manila noong Huwebes.

Isa lang ang kinilala sa dalawang natimbog dahil menor de edad ang isa sa kanila, ayon sa mga pulis. Kinilala si alyas Terence pero parehong dinala ang dalawa sa Manila Police District-Meisic Police Station 11.

Base sa report ng mga pulis, bandang 12:45 ng hapon nang may nagsumbong na isang concern citizen kaugnay sa dalawang lalaki na enjoy na enjoy sa paglanghap ng solvent.

Ayon kina Police Corporal Lagahit at Patrolman Jallorina, kapwa nakatalaga sa San Nicolas PCP sakop ng Station 11, namataan mismo nila ang dalawa habang sumisinghot ng solvent sa kalye kaya agad nilang binitbit papunta sa police station.

AUTHOR PROFILE