Default Thumbnail

2 riders patay sa Roxas Blvd

September 25, 2023 Jonjon Reyes 365 views

DALAWANG riders ang namatay sa magkahiwalay na aksidente sa Roxas Blvd. Lunes ng umaga.

Unang namatay ang sakay ng Honda TMX makaraang masagasaan ng tractor head sa panulukan ng Roxas Boulevard at T.M. Kalaw St. sa Ermita, Maynila.

Kinilala ni Police Major Luisito Domondon Mababangloob lll, OIC chief ng Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU), ang namatay na si Dominador Odon ng Meycauayan Bulacan.

Base sa report ni Police Staff Sergeant Ron Henry Gemzon kay Police Major Jaime Gonzales Jr., hepe ng investigation unit ng MDTEU, bandang 10:40 ng umaga nang maganap ang insidente sa nasabing lugar.

Namatay naman ang ikalawang biktima matapos masagi ng BMW ang kanyang sinasakyang motor.

Ayon sa report, alas 9:00 ng umaga nang maganàp ang insidente sa northbound lane of Roxas Blvd sa haràp ng US embassy sa Ermita, Manila.

Kinilala ang biktimà na sí Ralph Jhoreb Doble, 29, ng NBBS Navotas City.

Ayon kay PSSg Mark Estrada, patungong north ang dalawang sasakyan nang magkagigitan at tuluyang nagkabanggaan.

AUTHOR PROFILE