Kulong

MAGKAKAPATID NA LALAKI MINANYAK!

September 25, 2023 Melnie Ragasa-limena 381 views

11,10, 8 anyos nilaro ang ari ng 30-anyos na kelot

NAHAHARAP sa kasong 3 counts of acts of lasciviousness ang isang 30-anyos na lalaki matapos umanong hipuan ang tatlong magkakapatid na batang lalaki sa lungsod Quezon.

Nakakulong na sa Quezon City Police District Station 3 ang suspek base sa reklamo ng ina ng tatlong magkakapatid.

Ayon sa report, magkakasunod na nangyari ang diumano’y panghihipo sa tatlong biktima na edad 8, 10 at 11 noong Sabado, Setyembre 23, 2023.

Ayon sa imbestigasyon, unang tinawag ng suspek ang 11-anyos na biktima pasado alas-tres ng hapon sa bahay ng suspek.

Inutusan umano ng suspek ang binatilyo na umupo sa tabi niya at agad umanong hinawakan ang ari ng biktima at nilaro ito.

Tumigil lang umano ang suspek matapos sabihin ng biktima na masakit ang ginagawa niya.

Agad na umalis ang biktima sa bahay ng suspek.

Makalipas ang 30 minuto ay ang kapatid naman na 10 taong gulang ang sunod na hinipuan ng suspek.

Napagalaman na pumasok ang biktima sa bahay ng suspek matapos makita doon ang kaniyang mga kalaro.

Habang nakaupo sa isang silya ay lumapit umano ang suspek sa biktima at hinipuan din ito katulad ng ginawa niya sa kaniyang nakatatandang kapatid.

Bandang ala-sais ng gabi ng pareho ding araw ay sunod naman na hinipuan ang 8-anyos na kapatid ng dalawang naunang biktima.

Nagawa pa umanong magalit ng suspek matapos na sabihin ng bata na “kuya huwag po!”

Itinaboy pa umano siya ng suspek at sinabihan na huwag ng magpapakita sa kaniya.

Agad na umuwi sa kanilang bahay ang 8-anyos na biktima at pinagtapat ang nangyari sa kaniyang dalawang kapatid.

Nagulat umano ang tatlong magkakapatid na pare-pareho umano ang ginawa sa kanila ng suspek.

Nagsumbong ang magkakapatid sa kanilang magulang na agad namang nagreport sa pulisya.

Naaresto ang suspek sa isang follow-up operation ng pulisya.