Posas

2 bettors sa sugal tiklo; 1 may patalim

September 25, 2023 Jonjon Reyes 212 views

ARESTADO ang dalawang mananaya sa sugal sa Pasig Line at Sagrada Familia St., Barangay 776 Sta. Ana, Maynila at lumala pa ang kaso ng isa nang mabuking na may patalim habang tumataya sa loteng Biyernes ng hapon.

Nakilala ang target ng operasyon na si “Angeli,” 38, at ang mananayang si “Ranilio,” 37.

Batay sa ulat ni Police Corporal Carlo Flores, naispatan ang nagkukumpulang mga kalalakihan habang nagpa-patrol sil laban sa iligal na sugal bandang 3:45 ng hapon.

Dito na nila tinungo subalit nang papalapit na ang mga operatiba agad na nagpulasan at naiwan ang mga mananaya.

Kapwa naaresto ang dalawa at narekober ang mga gamit sa EZ2 (loteng). Nang kapkapan naman ang isang mananaya, nakuhaan ito ng isang kitchen knife sa kanyang baywang.

AUTHOR PROFILE