Posas

2 shabu suspek timbog sa Maynila

September 25, 2023 Jonjon Reyes 245 views

SWAK sa selda ng Manila Police District-Ermita Police Station 5 ang dalawang hinihinalang tulak ng shabu Sabado ng madaling araw sa Anak Bayan St. malapit sa Quirino Avenue, Barangay 741 Paco, Maynila.

Kapwa nahaharap sa paglabag sa Sections 5, 11 Art. II ng RA 9165 at RA 10591 ang 2 suspek na sina Ariel, 33, alyas “Amo” at alyas “Joey,” 45.

Batay sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Gilbert Cruz, Station Commander, bandang 1:30 ng madaling araw nang ikasa ng kanyang mga tauhan ang buy bust sa nasabing lugar.

Pinangunahan ni Police Captain Bernardo Diego, hepe ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU), kasama ang kanyang mga tauhan sa pag-aresto sa dalawang suspek.

Nang magkaabutan ng marked money kapalit ng shabu, doon na dinamba ang pakay ng operasyon.

Nakasamsam ng 800 gramo ng shabu na may halagang P54,400 mula sa 2 naaresto.

AUTHOR PROFILE