Wanky

2 pulis ‘nagnenok’ ng pera sa pasahero ng eroplano

August 1, 2023 Jun I. Legaspi 712 views

DALAWANG PNP-personnel ang agarang inalis sa pwesto at sinuspinde matapos akusahang nagnakaw ng pera ng isang pasahero ng eroplano sa Ninoy Aquino International Airport, Terminal 3 (NAIAT3).

Sa utos ni PNP Gen. Jack Wanky, Director ng PNP-Aviation Security Group, ang dalawang sinuspinde ay nahaharap sa masusing imbestigasyon.

Kung mapatunayan ang bintang, posibleng tuluyang maalis sa kanilang serbisyo sa PNP ang dalawang pulis.

Ang dalawa ay dating nakadestino sa Mobile Patrol Unit at ngayon at nasa floating status para sa isasagawang masusing imbestigasyon.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ang pasahero ng eroplano na ninakawan ay nakilalang si Rafael Abenojar.

Sa ginawang review ng mga imbestigador sa mga Closed Circuit Televison (CCTV) sa Area ng NAIA T3 nakita ang 2 Aviation personnel na siyang nakakuha ng nawawalang pouch ng biktima na naglalaman ng cash.

Humingi naman ng paumanhin ang liderato ng Aviation awtority sa hindi magandang behavior na ipinakita ng 2 nilang tauhan.

AUTHOR PROFILE