Frasco FOLLOW THE LEADER–Nanguna si Department of Tourism Secretary Christina Garcia Frasco sa pagbubukas ng Philippine Experience Program sa Northern Mindanao. Isa sa mga pambatong tourist attraction sa lugar ang 600-metrong monorail winding track mula sa bundok ng rehiyon.

Tourism Sec. nanguna sa PEP opening sa Cagayan

May 27, 2024 Jonjon Reyes 103 views

NANGUNA si Department of Tourism (DOT) Secretary Christina Garcia Frasco sa pagbubukas ng Philippine Experience Program (PEP) sa Cagayan De Oro City kamakailan.

Binigyang-diin ng tourism chief ang kahalagahan ng kaganapan at binanggit din niya kung paano nakatulong ng malaki ang domestic tourism sa mga naging tagumpay ng industriya matapos ang pandemya.

“Ngayon, nagtitipon tayo sa ilalim ng bandila ng Philippine Experience kaugnay sa isang flagship program sa ilalim ng administrasyong Marcos,” pahayag ng kalihim.

Nabanggit niya na pangunahin sa layunin ng PEP na ipakilala ang mga umuusbong na destinasyon sa bansa, kabilang ang mga lugar sa Northern Mindanao upang mapantayan ang mga oportunidad sa turismo.

“Ang Philippine Experience Program nakaayon sa National Tourism Development Plan na inaprubahan ng ating Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa ilalim ng kanyang administrasyon.

Sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga umuusbong na destinasyon tulad ng Cagayan de Oro at iba pang lugar sa hilagang Mindanao, pinalalawak natin ang mapa ng turismo ng Pilipinas.

Habang sinusuportahan natin ang ating award-winning at kilalang mga destinasyon sa buong mundo, nagbibigay tayo ng mga pagkakataon para sa pagpapaunlad ng turismo para sa mga hindi pa nakilala ng ating mga turista sa buong mundo,” ayon sa kanya.

AUTHOR PROFILE