Frasco COOKING SECRETARY–Si DOT Secretary Christina Garcia-Frasco habang nagluluto sa Quirino grandstand noong Araw ng Kalayaan. Kuha ni Jon Jon Reyes

DOT Sec. Frasco nagluto noong Araw ng Kalayaan

June 13, 2024 Jonjon Reyes 176 views

NAKIISA si Department of Tourism Secretary Christina Garcia Frasco noong Miyerkules sa Kusina Warrior Cooking Show, isa mga events para sa Philippine Independence Day sa Quirino grandstand.

Nakasentro ang kaganapan sa pagdiriwang ng hilig para sa pagtaas ng panlasa ng mga Pilipino.

Sa pangunguna ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), kasama ang Department of Trade and Industry (DTI) at Department of Agriculture (DA), nanghihikayat ang show sa mga Pilipino na harapin ang hamon ng pagluluto ng mga ulam gaya ng adobo at pancit.

Niluto ni Secretary Garcia Frasco ang Pancit Bam-I de Cebu at napili bilang pinakamahusay sa pagluluto ng pagkaing Pinoy.

AUTHOR PROFILE