Posas

2 nagnenok ng P40K Globe wires kulong

August 11, 2023 Steve A. Gosuico 293 views

CABANATUAN City–Dalawang lalaki sa siyudad na ito ang inaresto ng pulis matapos magnakaw ng mga Globe cable wires na nagkakahalaga ng P40,000 noong Huwebes.

Kinilala ni city police head Lt. Col. Warly C. Bitog ang mga suspek na sina Jeffrey Chico, 29, at Joel Buenvinida, 19, ng Purok 4, Bgy. Sto. Niňo, Gapan City.

Nahuli ang dalawa dala ang mga cable wires sa Bgy. Zulueta bandang 7:30 a.m.

Nakuha sa dalawa ang 30 metro ng copper wires na pag-aari ng Globe Telecom Inc.

Sinabi ni Globe security officer Reynante Zabat na nasakote ang dalawang suspek matapos silang makita na papatakas na at bitbit ang mga cable wires na pinutol umano sa mga poste ng kuryente.

Nasamsam din mula sa 2 suspek ang isang asul na tricycle kung saan nakakarga ang mga nakaw na cable wires.

AUTHOR PROFILE