Shabu

P10M shabu ‘inebs’ sa kubeta sa Candelaria

August 11, 2023 Zaida I. Delos Reyes 270 views

MAHIGIT sa P10-milyong halaga ng shabu ang natagpuan sa kubeta ng isang fast-food sa Candelaria, Quezon.

Batay sa ulat ni Quezon Police Chief Colonel Ledon Monte, itinawag sa kanila ng isang crew ng Mang Inasal sa Candelaria, Quezon bandang 10:20 ng gabi ang nakita nilang pack ng shabu sa basurahan ng kanilang toilet.

Agad na rumisponde ang mga alagad ng batas sa lugar at nakuha ang may 511.5 gramo ng shabu sa lugar na nagkakahalaga ng P10,434,600.

Napag-alaman na bago makita ang kontrabando isang grupo ng mga pulis ang pumunta sa loob ng fast food para kumain.

Hinala ng pulisya, posibleng natakot ang may dala ng kontrabando kaya iniwan na lang ang dala nito sa tolilet ng fast food.

Napag-alaman na mabilis ding umalis ang mga pulis pagkatapos pumasok.