Default Thumbnail

Dutch nakitang naagnas sa bahay

August 11, 2023 Gil Aman 197 views

AGNAS at nangangamoy na ang isang Dutch nang matagpuan sa kanyang apartment sa Purok 1, Bgy. San Francisco, San Pablo City, Laguna Huwebes ng umaga.

Kinilala ng San Pablo City police ang biktima na si France Albert Mariños Koens.

Nadiskubre ang bangkay ng Dutch nang may maamoy na mabaho ang kapitbahay niyang si Karen Lim bandang 8:30 ng umaga.

Agad ipinagbigay alam sa Barangay Secretary na si Danna Pasco ang tungkol sa naamoy niya. Nang buksan ng pintuan ng apartment, nakita ang agnas na bangkay na nakahiga sa kama.

AUTHOR PROFILE