Default Thumbnail

2 lalaki, arestado dahil sa pagnanakaw ng Globe Telecom cable wires na nagkakahalaga ng mahigit P33k

June 28, 2023 Steve A. Gosuico 191 views

TALAVERA, Nueva Ecija — Kalaboso ang dalawang lalaking walang trabaho matapos silang mahuli sa akto habang pinuputol at ninanakaw umano ang mga cable wire na pag-aari ng telecommunications service provider na Globe Telecom dito noong Martes.

Sa ulat kay provincial police head Col. Richard V. Caballero, sinabi ni police head Major Domingo A. Resma Jr., na ang dalawang suspek na nasa edad 34 at 21, kapwa ng Bgy. Cawayan Bugtong, Guimba, ay naaresto sa kahabaan ng Bypass Road sa Bgy. La Torre dakong 5:30 a.m.

Sinabi ni Resma na nahuli ng mga nagpapatrolyang miyembro ng Bantay Bayan ang dalawang suspek habang nasa aktong pagpuputol ng mga cable wire ng Globe, na nagresulta sa pagkakasamsam sa kanila ng 19 piraso ng naputol nang cable wire na tinatayang 10 metro ang haba na nagkakahalaga ng P33,755.86.

Inihahanda na ang kasong pagnanakaw para sa inquest-filing laban sa mga naarestong suspek.

AUTHOR PROFILE