Default Thumbnail

Bagong hepe ng Batangas PNP itinalaga

June 28, 2023 Jojo C. Magsombol 273 views

ITNALAGA bilang bagong hepe ng Batangas PNP si Police Colonel Samson Belgica Belmonte noong Martes.

Mainit na sinalubong ng kanyang mga kabaro si Belmonte noong umaga ng Hunyo 27 sa Camp General Miguel C. Malvar sa Batangas City.

Pinangunahan nI acting chief of regional staff ng Police Regional Office CALABARZON, (Cavite/Laguna/Batangas/Rizal/Quezon) P/Col Mariano Curameg Rodriguez any pagsalubong sa bagong hepe ng Batangas PNP.

Sa mensahe ni outgoing Provincial Director, P/Col. Rainerio Magnaye De Chavez, nagpasalamat siya sa mga miyembro ng Batangas Provincial Police Office (PPO) na sumuporta sa kanyang tungkulin bilang acting provincial director.

Ayon kay de Chavez, lubos siyang nagpapasalamat sa lahat ng mga taong nagtiwala sa kanyang administrasyon.

Natutuwa din ang paalis na provincial director sa kanyang pansamantalang pananatili bilang hepe ng Batangas PPO.

Sinabi pa ni de Chavez na naniwala siya sa kapasidad ng bagong pinuno ng Batangas Police.

“Pahintulutan nyo po akong maglingkod sa Batangas PPO nang buong kapasidad. Let us show the community the true meaning of Serbisyong Nagkakaisa,” sabi ni Belmonte.

AUTHOR PROFILE