Default Thumbnail

2 bebot laglag sa P700K shabu

March 3, 2024 Gil Aman 51 views

NALAMBAT ng mga pulis ang dalawang babae na suspek sa pagbebenta ng illegal na droga matapos mahulihan ng mahigit P700,000 na halaga ng shabu noong Sabado sa Suero Compound, Brgy. Paciano Calamba City, Laguna.

Sa isinagawang buy-bust, nakilala ang mga naarestong suspek na sina Alyas Kharima at Alyas Normalah.

Ayon kay Calamba City police chief , P/LT. Col. Milany Martirez , isinagawa ang buy bust dakong alas-11:18 ng gabi na nagresulta sa pagkabawi ng 113 gramo ng shabu mula sa dalawa.

Aabot sa P768,400 ang halaga ng shabu na narecover.

Isang police poseur buyer ang nakipagkasundo para sa isang sachet sa halagang P3,000.

Kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act ang nakatakdang isampa sa mga suspek.

AUTHOR PROFILE