2 bebot arestado sa droga ng MPD PS14

October 4, 2021 Francis Naguit 263 views

ARESTADO ng mga operatiba ng MPD Station 14 ng Barbosa Police Station ang dalawang babae dahil sa illegal na droga sa Claro M. Recto Quiapo, Manila.

Kinilala ang mga naarestong suspek na sina Cristina Tolentino Enriquez a.ka. Baba at Ros An Alvarado Pollarca.

Ang buy bust ay isinagawa sa pangunguna ni PCapt. Gil John Lubaton kasama ang mga operatiba ng SDET MPD Station 14, sa pangangasiwa ni PLT.Col.Ramon Nazario,.

Nakumpiska mula sa mga suspek, ang limang piraso ng selyadong transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang “shabu” na may tinatayang bigat na higit sa lima hanggang anim na gramo may tinatayang halaga ng DDB na P40,800, kabilang ang isang piraso ng coin purse na kulay pink, limang pirasong P100 peso at ang buy-bust money.

Ang lahat ng ebidensya na nauugnay sa droga ay dinala sa MPD-Crime Laboratory Office.

Ang mga naarestong suspek ay pansamantalang nasa kustodiya sa PS14 Custodial Facility para sa mga dokumentasyon. Sila ay nahaharap sa mga kasong paglabag sa RA 9165. Nina FRANCIS NAGUIT & JON-JON REYES

AUTHOR PROFILE