Default Thumbnail

2 arestado sa buy-bust sa Malate

September 24, 2022 Jonjon Reyes 536 views

NATIMBOG ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Manila Police District (MPD) Station 9 ang target ng operasyon sa kalakaran ng ilegal na droga at kasabwat nitos sa isang drug buy-bust operation sa Malate, Maynila, Sabado ng madaling araw.

Ayon sa ulat ni Police Leutenant Colonel Salvador Tangdol, station commander ng Stn. 9, bandang 4:10 ng madaling araw nang ikasa ang buy-bust sa Estrada Street malapit sa Arellano Avenue sa Malate.

Sa report ng pulisya, ang mismong target na suspek ay kilalang “tulak” sa naturang lugar, at nagpostibo sa “test buy” ng isang police asset.

Iniutos agad ni Tangdol kay P/Lt. Josephus Melpaz at sa mga tauhan nito na arestuhin ang suspek.

Naging matagaumpay ang operasyon laban sa dalawa sa gitna ng “Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation (SACLEO) ng MPD.

Narekober sa suspek ang 5 pirasong sachet ng shabu na tumitimbang ng 5 gramo at may street value na P34,000 at marked money.

Kasong paglabag sa Republic Act (RA) 9165, Section 5 at 11 article ll (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang suspek habang ang kasabwat nito ay haharap sa paglabag sa RA 9165 Section 11.

Samantala, naaresto naman ang sinasabing “most wanted person” (MWP) dahil sa paglabag sa RA 10175 Cybercrime Prevention Act of 2012, ayon kay MPD Director Andre P. Dizon.

Ayon sa ulat na isinumite ni P/Maj. Emmark Dave Apostol, hepe ng District Police Intelligence Operation Unit (DPIOU) ng MPD, kay P/Col. Levi Hope Basilio, hepe ng District Intelligence Division, bandang 12:45 ng madaling araw nang matunton ang suspek sa Metrowalk Commercial Complex, Meralco Ave., Pasig City dahil na rin sa isang impormante.

Inihain sa MWP ang arrest warrant na inisyu ni Judge Maria Victoria Soriano Villadolid ng Regional Trial Court Branch 24 ng Maynila at may inirekomendang piyansa na P30,000 bawat isa patong-patong na kasong kinakaharap ng suspek.

AUTHOR PROFILE