14-anyos ‘nilamon’ ng ilog

August 17, 2022 People's Tonight 172 views

ISANG 14-anyos na binatilyo ang pinaghahanap ng mga awtoridad makaraang hindi na nakauwi nang maligo sa ilog kasama ang ilang kaibigan sa Barangay Batasan Hills, Quezon City, noong Martes umaga.

Ang biktima ay nakilalang si Shelwin Steve Maga na hanggang sa ngayon ay hindi pa natatagpuan ng mga awtoridad.

Sa isang panayam sa ina ng binatilyo na si Maricris Arce, hindi niya maubos maisip kung bakit nawala ang anak sa ilog gayung hanggang tuhod lang umano yun, gaynman kapag tinapakan aniya ay parang malusak.

Nalaman lamang umano niya ang insidente nang dalhin ng mga kaibigan ng kaniyang anak ang damit na dilaw, tsinelas, at face mask nito.

Ayon umano sa mga kaibigan ni Shelwin, masaya silang naliligo sa ilog habang pinapanood lang sila ng binatilo na nakaupo lang sa gilid pero nang muli nilang tingnan ay wala na ito pero naiwan ang damit at tsinelas.

Sinabi naman ng mga opisyal sa nasabing barangay na kanilang ipinagbabawal ang paliligo sa ilog ngunit may mga bata pa ring nagtutungo roon.

Una dito ay nawala rin 12-anyos na si Prince Kian Flores na may sakit na epilepsy habang naliligo naman sa ilog sa Brgy. Pinyahan, sa lungsod, noong Lunes ng hapon.

Patuloy pang pinaghahanap ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) at nga mga awtoridad ang biktima.

AUTHOR PROFILE