Default Thumbnail

1 pang PMVIC binuksan sa QC

September 8, 2021 Jun I. Legaspi 664 views

ISA na pang Private Motorist Vehicle Inspection Center (PMVIC) ang pormal na binuksan Martes para sa inspection at emission testing ng mga sasakyan sa Barangay Toro, Cattleya St., sa Quezon City.

Ayon kay Atty. Clarence V. Guinto, Director ng Land Transportation Office-Law Enforcement Service (LTO-LES), ang pagbubukas ng pinakabagong QCI-PMVIC ay bilang pagtugon sa tuloy-tuloy na programa ng Department of Transportation at LTO sa mas efficient, safe, clean at higit sa lahat affordable na ang presyo ng inspection at emission testing ng mga vehicles.

“Ito ay One-Stop-Shop dahil bukod sa inspection at emission testing, mula sa small pieces ng turnilyo hanggang sa gulong, electronic, mechanic at lahat ng parts ng sasakyan ay accurate na masasala gamit ang pinaka advance technology na ginagamit na ng halos lahat ng bansa para sa safety at roadworthiness ng mga sasakayan,’ saad ni Guinto.

Sa hiwalay na interview, nagpasalamat si Iñigo Larazzabal, national President ng Vehicle Inspection Center Operators Associations of the Philippines (VICOAP) sa mga transport groups na nagbigay ng suporta sa kanilang serbisyo.

“We are very appreciative of the opportunity given to us by the transport groups to show them what a comprehensive and transparent inspection system is.”

“With the adjusted testing fee of P600 for cars, P500 for motorcycles and P300 for the traditional jeepneys, and free retest, we believe that if given the chance, our motorists will appreciate the new system compared to corrupt laden previous system,” saad ni Larazzabal.

Sinabi pa ng grupo ang bagong bukas na PMVIC ay kayang magsagawa ng 450-500 na sasakyan sa isang araw ayon sa kaayusan.

Tiniyak din ng leadership ng bagong bukas na PMVIC na accurately nakalink na sa data base system ng LTO ang kanilang mga machine at equipment, kaya’t siguradong kitang kita ang inspection at emission testing na isasagawa ng nasabing PMVIC ng walang delay para sa mas mabilis na registration.

Kabilang sa mga sumuporta sa pormal na pagbubukas ng pinakabagong (PMVlC) sina LTO-National Capital Region-West Operations Chief Hanz Lim, LTO-NCR-Diliman District Chief Adele Fabic, mga representative ng DOTr at ang tinaguraing Voltes V ng transport groups.

AUTHOR PROFILE