Default Thumbnail

Higit 1M COVID vax doses na ang naiturok sa Taguig

September 8, 2021 People's Tonight 353 views

UMABOT na sa 1,015,029 doses ng bakuna ang naiturok na sa mga taga-Taguig City sa nagpapatuloy na vaccination program laban sa COVID-19.

Ang Taguig City ay kabilang na sa Lungsod ng Quezon, Maynila, at Lungsod ng Caloocan bilang ika-4 na lungsod sa bansa na naabot ang 1 millionth mark o kabuuang bilang ng bakuna na naiturok laban sa COVID-19.

Maiuugnay ng lokal na pamahalaan ang milestone na ito sa pagsusumikap ng healthcare at essential worker sa lungsod na higit na nag-ambag sa contact tracing, vaccination efforts, at pagpapatupad ng Prevent-Detect-Isolate-Treat-Reintegrate (PDITR) strategy laban sa COVID-19, kasabay ng agresibong pagsisikap ng pagbabakuna ng lokal na pamahalaan sa lahat ng vaccination hubs.

Sinabi ni Taguig City Mayor Lino Cayetano na “ang Taguig ay patuloy na tututok sa community-based vaccination sa pamamagitan ng Taguig Mobile Vaccination Bus, Mobile Vaccination Team, at Home Service Vaccination para sa mga mamamayang na bedridden.”

Muling pinapaalalahanan ng Taguig City local government ang publiko na sundin ang payo ng gobyerno sa ilalim ng “Modified Enhaced Community Quarantine” at manatili lamang sa kani-kanilang tahanan kung walang importanteng gagawin sa labas at sundin ang mga guidelines na ipinapatupad ng ating pamahalaan upang maiwasan ang pagkahawa at pagka-expose sa COVID-19.

AUTHOR PROFILE