Yassi

Yassi, naisip mag-quit sa showbiz

September 26, 2022 Vinia Vivar 324 views

Matindi pala ang mga hirap na pinagdaanan ni Yassi Pressman noong nagsisimula pa lang siya sa showbiz. Ibinahagi niya ito sa panayam sa kanya ni Toni Gonzaga sa “Toni Talks” vlog.

Ani Yassi, nagsimula siya sa pa-extra-extra at dumating pa sa puntong muntik na siyang mag-quit dahil feeling niya ay hindi para sa kanya ang showbiz world.

She was the breadwinner pero hindi talaga sapat ang kinikita niya that time na napakaliit lang.

She revealed na P1,500 lang ang bayad sa kanya for three days of work at abonado pa siya dahil kasama na ru’n ang food, gas at damit.

May tax pa raw at siyempre, commission ng manager.

“So, wala kang pambayad ng make-up artist, hair spray, lahat,” aniya.

“So, sabi ko talaga, ate, ‘isang araw, pupunta ako sa Starbucks at ‘di nila tatanungin kung ano ang pangalan ko.’ ‘Yun talaga.

“Sabi ko, ‘one day, kahit isang tao lang, isang tao, pagdating ko du’n, ‘yung gusto ko makukuha ko tapos ‘di nila tatanungin sa akin ang name ko,’” lahad ni Yassi.

Ibinahagi niya rin na ang pinaka-proud moment niya nu’ng nagsisimula siya ay nang mag-extra siya sa commercial nina Kim Chiu at Gerald Anderson.

“Grabe, sobrang saya-saya ko nu’n, 40 ang extra nila, isa ko ru’n at ‘yun ang proudest moment ko. Sabi ko, ‘yes, nandu’n ako sa likod!’ kwento niya.

Hanggang sa dumating ang biggest break nang sinabihan siya ng Viva Films na kasama siya sa pelikulang Ang Diary ng Panget with Nadine Lustre and James Reid.

Doon na nagtuluy-tuloy ang pagsikat ni Yassi.

Nagsunud-sunod na rin ang projects niya and for sure, ngayon ay hindi na tatanungin sa Starbucks kung ano ang pangalan niya.

AUTHOR PROFILE