Ruru

Kapuso artists, tumulong sa mga nasalanta ni Karding

September 26, 2022 Jun Nardo 503 views

KANSELADO ang scheduled mall show ng Lolong sa San Pedro, Laguna last Sunday dahil sa bagyong si Karding. Finale week na ngayon ng GMA adventure serye.

Bukod sa Lolong mall show, kanselado rin ang NCAA at PBA games noong Linggo.

Eh, kahit naligtas ang ilang bahagi ng Metro Manila sa hagupit ni Karding, may mga probinsiya pa ring sinalanta ng bagyo.

Isa ang GMA Kapuso Foundation sa agad umaksiyon sa pagpapadala ng mga kailangan ng mga naapektuhan ng bagyo.

Sa Instgram post ng Kapuso PR Girl kahapon, sinabi rito na, “Tumulong sina Martin del Rosario, Anthony Rosaldo, Kim de Leon at Jeff Moses kasama ang Unang Hirit at Kapuso Foundation na magpadala ng tulong sa mga apektado ng hagupit ng bagyong #KardingPH.”

Samantala, sa live telecast ng UH, present ang cast ng bagong GMA afternoon prime na Nakarehas na Puso upang sumagot sa telepono ng mga tumatawag at nagsasabi ng updates sa kanilang probinsiya.

KOKOY-ANGEL LOVETEAM, NAGKATOTOO

NANGANGAMOY pag-ibig na kina Kokoy de Santos at Angel Guardian.

Malaki ang tsansang maging totohanan na ang nabuong loveteam kina Kokoyat Angel dahil sa Running Man PH.

Sa episode ng RMPH last Sunday, sina Angel at Kokoy ang nagwaging best loveteam sa mission nilang wedding race, huh!

May matching wedding proposal pa si Kokoy kay Angel at kiyemeng ikinasal pa!

Sina Kokoy at Angel na ang tinuksu-tukso habang tini-tape ang reality show sa South Korea.

Siyempre, in denial pa ang dalawa.

Eh, mukhang matatagalan pa ang telecast ng Running Man PH and for sure, kahit nandito na sila sa bansa, eh, tuloy pa rin ang romansahan nila not as friends na but as lovers, huh!

AUTHOR PROFILE