Sunshine at Macky hiwalay na?

September 26, 2022 Aster Amoyo 202 views

THIS month, September. should mark the 6th year anniversary nina Sunshine Cruz at Macky Mathay as partners. Pareho na silang hiwalay sa kanilang respective former partners na sina Cesar Montano at Camille Farinas-Mathay at parehong may tig-tatlong anak.

But most recently ay may lumalabas na balita na tila hiwalay na ang dalawa matapos mapansin ng netizens ang pag-unfollow ng singer-actresss kay Macky.

We also browsed the Instagram account ni Sunshine at halos wala na kaming nakitang picture doon kasama ang nobyo habang naroon pa rin sa IG account ni Macky ang sweet photos nila ni Sunshine kasama na rito ang kanilang larawan sa recent birthday party ng second daughter ni Sunshine sa ex-husband nitong si Cesar na si Samantha. Kasama pa sa picture si Cesar at partner nito ngayon na si Kath Angeles. Pero nitong recent birthday celebration ng panganay nina Sunshine at Cesar na si Angelina sa isang beach ay tila wala roon si Macky habang naroon si Cesar at Kath kasama ang kanilang tatlong anak, mga anak nina Sunshine at Cesar na sina Angelina, Sam at Cheska maging si Diego Loyzaga na anak ng actor-director sa actress na si Teresa Loyzaga.

Kung totoong hiwalay na sina Sunshine at Macky, sayang naman ang kanilang anim na taong relasyon lalupa’t pareho na silang tanggap ng kanilang respective families.

Si Macky ay half-brother ng singer-actress at entrepreneur na si Ara Mina na close friend ni Sunshine.

Susan

Susan may disenteng libing dahil sa tulong ng mga kaibigan

MARAMING dapat ipagpasalamat ang mga kamag-anak ng namayapang veteran actress na si Susan Henson na sumakabilang-buhay nung September 21 sa edad na 64 dahil sa stage 4 cervical cancer. Maraming taga-industriya ang tumulong para mabigyan siya ng disenteng paglisan.

Sa pangunguna ng dating actress na si Pempe Rodrigo sa kanilang `Balik-Samahan’ sa showbiz at iba pang mga taga-industriya, na-pa-cremate ang mga labi ni Susan nung September 22 at nakatakda itong ihatid sa kanyang huling hantungan (inurnment) ngayongMiyerkules, September 28, 2022 sa pamamagitan ng 10 a.m. mass sa Nativity of Our Lord Parish, 151 Ermin Garcia St.,,Cubao, Quezon City at kasunod na rito ang inurnment.

Sa pamumuno ni Pempe na siya ring naglikom ng mga tulong at donasyon mula sa iba’t ibang mga kasamahan sa industriya, ay mabibigyan ng magandang send-off ang popular actress of the 70s.

Sina Pempe at ang namayapang movie queen na si Susan Roces ay matagal na tumulong kay Susan Henson sa pagpapagamot at iba pang pangangailangan nito. Nagpaabot din ng tulong sa namayapang actress sina Sen. Lito Lapid, Sen. Bong Revilla, Liz Alindogan, Boots Anson Roa-Rodrigo, Daria Ramirez, Azenith Briones at iba pa.

RichBaby boom sa showbiz patuloy

EXCEPT for Rich Asuncion na nagsilang ng kanilang second baby (another girl) ng husband niyang Fil-Australian na si Benjamin Mudie in Australia gayundin din ang actress, entrepreneur, YouTuber na si Dimples Romana who gave birth to a baby boy, ang third child nila ng mister na si Boyet Ahme at si Kryz Uy sa second son nila ng asawang si Slater Young, magkakasunod ding nagsilang this year ang mga first time moms na sina Angeline Quinto courtesy of her fiancé na si Nonrev Daquin ng isang boy na si Sylvio, Winwyn Marquez to a baby girl sa kanyang non-showbiz partner gayundin ang Kapamilya actress na si Angelica Panganiban sa kanyang Subic-based Australian businessman partner nasi Gregg Homan.

Expectant moms din sinaYnna Asistio (girl), ang mag-sister-in-law na sina Iza Calzado at Bianca King courtesy of their respective husbands, ang magkapatid na Ben at Ralph Wintle.

Ipinagbubuntis din ngayon ng misis ni Paolo Valenciano na si Samantha ang kanilang second child kaya magiging dalawa na ang apo ng mag-asawang Gary Valenciano at Angeli Pangilinan.

Serena

Serena ikakasal na

FIL-AMERICAN former child actress Serena Dalrymple is now all grown-up at age 32. Nakapagtapos siya ng pag-aaral and took her master’s degree in London and is currently based and working in New Hampshire, USA where she moved from New York, USA kasama ang kanyang fiancé and husband-to-be in a week’s time na si Thomas Bredillet.

Serena shared na nakilala niya ang kanyang fiancé sa isang dating app sa Amerika nung 2018. Magmula noon, inseparable na ang dalawa and they traveled together hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa iba’t ibang bansa including Europe.

Bago pa man a ng kanilang engagement last year at kasal sa isang linggo ay nakabili na ng sariling bahay ang dalawa.

Serena was still active in her showbiz career sa Pilipinas nang magkasunod na pumanaw ang kanilang parents, her US military father na si Robert Lloyd Dalrymple at ang kanyang Filipina mother na si Wilma Billones. Naiwan silang tatlong magkakapatid (all girls) sa kalinga ng kanilang maternal uncle na siyang tumayong guardian sa kanila hanggang umabot sila sa legal age.

Serena gave up her showbiz career in 2004 to pursue her studies sa Amerika at London pero twice siyang bumalik nung 2008 at 2010 para gawin ang “Ang Tanging Ina Nyong Lahat” at “Ang Tanging Ina (Last Na `To)” na parehong pinagbidahan ng Comedy Queen na si Ai-Ai de las Alas under Star Cinema.

Piolo

Piolo maganda ang relasyon sa Beautederm

SUPER proud ang Kapamiya heartthrob na si Piolo Pascual sa Hollywood achievement ng kanyang unico hijo, ang singer-actor na si Inigo Pascual.

Samantala, muling lumagda ng bagong kontrata ang singer-actor at entrepreneur sa Beautederm, isang indikasyon ng kanyang magandang relasyon sa kumpanya at big boss na si Rei Anicoche-Tan.

Piolo first signed up with Beautederm in 2020 pero dahil may pandemya, hindi ito nagkaroon ng malaking presscon kaya bumawi si Rei last September 22 para sa kanyang kauna-unahang face-face grand presscon na ginanap sa Luxent Hotel.

Si Piolo ay isa sa mga A-list brand ambassador ng Beautederm now numbering to over 70.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE