Luis

Jessy, hirap matulog

September 26, 2022 Vinia Vivar 216 views

Nagbigay ng life update ang mag-asawang Luis Manzano at Jessy Mendiola sa latest vlog ng aktres.

As we all know, kasalukuyang preggy si Jessy sa first baby nila ni Lucky.

Ibinalita ng mag-asawa na nakatakda silang lumipat ng bahay na pansamantala muna nilang titirhan habang buntis si Jessy.

“Hindi pa ‘yun ‘yung bahay namin, ha,” paglilinaw ni Luis.

Kasalukuyan kasing nagpapagawa ng kanilang dream house ang mag-asawa na siyang permanente na nilang titirhan ng kanilang binubuong pamilya.

Hindi pa ito natatapos since sinimulan lang ito some months ago.

Sey ni Jessy, naisip nilang lumipat ng bahay na mas safe para sa baby nila.

“We’re moving to a new house kasi, we realized na, kumbaga, safer for the child na hindi spiral staircase at saka hindi high ceiling.

“So, pumili kami ng house na safer para sa magiging anak namin, and of course, para du’n kami tumira habang lumalaki si Peanut hanggang sa matapos ‘yung talagang bahay natin,” sey ni Jessy.

Sinabi rin ng aktres na medyo hirap na siyang matulog ngayon.

“Nakakaramdam na ako ng pangangalay sa legs ko and lower back habang natutulog. ’Yung para kang nangangalay habang natutulog so you to need to move your legs every now and then.

“Ako, medyo hirap na rin akong matulog sometimes and I’m sure mas magiging mahirap pa habang lumalaki ‘yung tiyan ko lalo,” pagbabahagi ng aktres.

Sa naturang vlog ay nag-unbox ang mag-asawa ng mga early gift ng friends nila for Jessy and Baby Peanut.

Sobrang thankful sila na hindi pa man lumalabas ang kanilang anak ay napakarami nang nagmamahal dito.

AUTHOR PROFILE