Yam sinamantala ang taping break para puntahan ang BF sa New York

May 22, 2021 Aster Amoyo 748 views

THIRTY-two-year-old “Init Sa Magdamag” star Yam Concepcion is currently in New York City, USA to bond and spend more time with her New York-based boyfriend of six years nasi Miguel Cu-Unjieng. The last time na nagkita ang dalawa ay nung nakaraang December pero ito’y tumagal lamang ng dalawang linggo.

Hindi issue kina Yam and Miguel ang kanilang LDR (long distance relationship) set-up dahil whenever their respective schedules permit ay nagkikita sila either in another country o di kaya kapag umuuwi ng Pilipinas si Miguel para magbakasyon.

Kung tutuusin, nasa marrying age na ang magkasintahan pero ngayon pa lamang nakaka-take-off nang husto ang acting career ni Yam kaya wait muna ang dalawa lalupa’t sampung taon din ang ipinaghintay ng Viva star bago siya nabigyan ng first major lead role sa pamamagitan ng primetime TV sexy drama series na “Init sa Magdamag”kabituin sina Gerald Anderson at JM de Guzman as his leading men.

Since nakapag-advance taping na si Yam para sa “Init saMagdamag” at naka-break ngayon ang kanilang lock-in taping, the actress took advantage of her free time na lumipad patungong New York, USA to spend some time with Miguel na nakapaka-supportive sa kanyang career.

Since nasa New York ngayonsi Yam, malamang na doon na rin niya i-celebrate ang kanyang kaarawan on May 27.

John Lloyd ‘di pa malinaw ang pagbabalik

Elias ModestoMARAMING followers ng actor na si John Lloyd Cruz ang natuwa nang malaman nila na magbabalik-showbiz siya sa tulong ng bagong management company, ang Crown Artist Management na pinamumunuan ng kanyang kaibigan at dating kasamahan sa Star Magic ng ABS-CBN na si Maja Salvador.

Para pre-birthday gift na rin ito ni John Lloyd sa kanyang sarili who is turning 38 sa darating na June 24. On June 27 naman ay magti-three years old na ang kanyang anak (sa dating partner nasi Ellen Adarna) na si Elias Modesto.

Ayon sa actor, ang kanyang anak ang dahilan kung bakit siya nagbabalik-showbiz.

Naghiwalay man sila ni Ellen (now engaged to actor Derek Ramsay), they are co-parenting their son.

Since sa bahay na ni Derek nakatira ang mag-inang Ellen at Elias, nagkikita sina John Lloyd at Derek kapag sinusundo niya (JLC) ang anak na very close na rin sa kanyang magiging step-dad na si Derek.

Isa sa comeback projects ni John Lloyd ay ang balik-tambalan nila ni Bea Alonzo na nakatakdang idirek ng box office director na si Cathy Garcia-Molina. Ang hindi lamang malinawngayon kung ito’ysabakuran pa rin ng Star Cinema or ito’ynakatakdangi-produce ng independent producers na kinabibilangan nina Malou Santos (dating managing director ng Star cinema), ang game show host-producer at businessman na si Willie Revillame at ang co-founder ng multi-awarded selling company, ang Frontrow na si Sam Verzosa dahil nakita silang kasama ni John Lloyd sa isang larawan. O baka naman may iba silang proyektong niluluto for John Lloyd. Ang grupo including actor-director Edgar Mortiz ay magkakasama recently sa Puerto Galera resort na ni Willie Revillame.

Ngayong balik-showbiz na si John Lloyd, aktibo na naman ito sa kanyang social media account sa Facebook at sa Instagram.

Balik din si John Lloyd sa kanyang clean-cut boy-next-door look.

Andrea natupad na ang pangarap kahit bata pa

Andrea Brillantes
Andrea Brillantes

AT 18, napakasuwerte ng young Kapamilya star nasi Andrea Brillantes dahil natupad na niya ang pangarap na mabigyan ng bahay at magandang buhay ang kanyang pamilya.

Although kumikita siya ngayon dahil sa kanyang magkakasunod na teleserye, aminado ang teen star na malaki rin ang naitulong sa kanya ng social media tulad ng TikTok at YouTube.

Merong mahigit na 12-M followers si Andrea sa TikTok habang ang kanyang YouTube channel ay meron nang 3.17M subscribers and counting.

Si Andrea ay regular na napapanood sa hit primetime TV drama series na “Huwag Kang Mangamba” kung saan niya mga kabituin ang mga kasamahan sa Gold Squad ng ABS-CBN na sina Francine Diaz, Kyle Echarri at Seth Fedelin.

Ganiel sasabak naman sa Miss World

Ganiel Krishnan
Ganiel Krishnan

PANSAMANTALANG iiwanan ng Filipino-Indian sportscaster, entertainment reporter, part-time actress and former beauty queen na si Ganiel Krishnan ang kanyang pagre-report ng entertainment news sa “TV Patrol” at sa 7 a.m. news pogram sa teleradyo ng ABS-CBN dahil kasali siya sa 45 candidates para sa 2021 Miss World Philippines beauty pageant na ang mananalo will represent the country sa 2021 Miss World competition. Bukod sa Miss World title, may 7 pang ibang international titles ang sasalihan ng mapipiling winners.

Samantala, ang Miss World Philippines na pinamumunuan ng managing director na si Arnold Vegafria ay siyang hahawak ng prangkisa ng isa pang International beauty pageant, ang Miss Supranational.

Si Ganiel ay 2nd runner-up sa 2016 Miss Manila at siya ang kinoronahang Mutya ng Pilipinas Asia Pacific International on the same year.

Samantha may royal blood pero pag-aartista ang hilig

LAST episode na ng weekly action-drama series na “Almost Paradise” ngayong gabi sa Kapamilya Channel. Ito ang seryeng pinagbibidahan ng Hollywood actor na si Christian Kane as Alex Walker kasama sina Samantha Richelle as Kai Mendoza na isa police officer at si Art Acuna as Ernesto Alamares na kasamahan ni Kai.

Hindi ikinakaila nina Samanatha at Art na marami umano silang natutunan sa nasabing serye created by Hollywood producer Dean Devlin at Gary Rosen kung saan pinagsama ang American and Filipino production directors, staff and cast.

Unknown to many, si Samantha ay anak ng Prince of Brunei na si Prince Jefri Bolkiah. She is married kay Anton del Rosario, isang professional football player at meron silang isang anak, si Myles.

Sa kabila ng pagkakaroon ng royal blood and background ni Samantha ay gustung-gusto nito ang acting bukod sa fashion designing.

Subscribe, like, share and hit the bell button of “TicTalk with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE