Always

Xian, pangarap maidirek si Kim

September 30, 2022 Vinia Vivar 283 views

MASayang-masaya dumalo ang mag-partner in reel and real life na sina Kim Chiu at Xian Lim (KimXi) sa red-carpet premiere night ng pelikula nilang Always na ginanap last Tuesday (Sept 27) night sa The Block, SM City North EDSA.

Sobrang na-miss nga raw nila ang mga ganitong premiere night dahil matagal-tagal nga ring nawalan ng theatrical release ang mga pelikula because of the pandemic.

Na-miss din ng dalawa ang ganitong moment na magkasama silang nagpo-promote ng pelikula, pati na ang interview sa premiere night kaya naman habang iniinterbyu namin sila ay masaya nilang sinagot ang mga tanong ng entertainment press.

Sey ni Kim ay masayang-masaya sila that they get to do this again just like the old times, noong wala pang pandemic.

“It feels surreal, parang nakalutang kami ngayon,” sey ni Kim.

Anu-ano pa ang mga bagay na na-miss niya sa loveteam nila ni Xian?

“Ayun, magkasama kaming nagpo-promote ng pelikula. Magkasama naman kami parati, pero masarap lang na kasama si Xian sa trabaho,” sey ni Kim.

And in the near future, gusto raw nilang magkatrabaho sila na si Xian na mismo ang direktor ng proyekto.

“Siyempre, pangarap kong maidirek si Kim. In the future, sana, mangyari,” sey ni Xian.

Ayon naman kay Kim, sana nga raw ay mangyari ‘yun at tingin niya ay talagang mag-i-enjoy siya.

“Siguro, it’s gonna be fun, kasi hindi namin alam kung kailan ulit ang next project namin together after this movie na Always. And siguro, fun ‘yun kapag siya naman ang direktor ko, tapos kaming dalawa ang artista pa rin,” sey ni Kim.

Samantala, ang Always ay base sa hit Korean movie with the same title.

Ginagampanan ni Xian ang papel na dating boksingero na na-in-love sa isang dalagang bulag na ginagampanan naman ni Kim.

Mula sa direksyon ni Dado Lumibao, showing na ang Always in cinemas nationwide.

AUTHOR PROFILE