Angelica

Angelica, ‘duguan’ at ‘sugatan’ sa pagpapa-breastfeed

September 30, 2022 Vinia Vivar 238 views

Matapos makapanganak sa panganay nila ni Gregg Homan, nagbigay ng update si Angelica Panganiban sa kanyang Instagram Stories.

Inilarawan niya ang first week niya bilang isang brand-new mom bilang “madugo at sugatan” sa pagpapa-breastfeed.

“As a duguan and sugatang mom, and its only been 1 week of breastfeéding. Haakaa, and hand express is the key,” pagbabahagi ni Angelica.

Needless to say, masayang-masaya ngayon si Angelica dahil ang pangarap niyang maging isang ganap na ina ay natupad na.

“Medyo nakaka-proud and at nakakawala ng depression ‘yung turn of events. 2 rounds of pumping pa lang at parang may mabubusog na naman akong apakatakaw na baby,” saad pa ng aktres.

AUTHOR PROFILE