Butas

Wow Mali! Butas sa Villamor tubong sumabog not sinkhole

April 15, 2024 Edd Reyes 100 views

NA-“WOW Mali” ang publiko at motorista na inakalang sinkhole ang nakitang malaking butas sa Sales Road sa may Villamor Air Base sa Pasay City noong Linggo dahil sumabog na tubo ng tubig ng Maynilad ang sanhi ng malaking butas.

Ayon sa Maynilad, natukoy na nila ang sumabog na linya ng tubig na lumikha ng butas sa gitna ng kalsada matapos masipsip ang tubig sa malaking butas na nilikha ng pagsabog.

Ipinasiya rin ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na lakihan pa ang butas para mapadali ng mga tauhan ng Maynilad ang pagre-repair sa sumabog na tubo na lubhang nakaapekto sa daloy ng trapiko sa lugar, lalo na ang mga papunta sa NAIA Terminal 3 at sa kabilang direksiyon.

Nauna ng nagpatupad ng counterflow ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa lugar para maibsan ang mabigat na daloy ng trapiko.

Ayon kay MMDA Chairman Atty. Don Artes, katuwang ng service provider ng Maynilad, hindi lamang ang DPWH ang Skyway management sa pagtugon sa problema lalu na’t sa ilalim mismo ng Skyway ang malaking butas.

AUTHOR PROFILE