Rider ANONG KASO?–Dead-on-the-spot ang biktima matapos pagbabarilin ng hindi nakilalang suspek sa Felix Huertas kanto ng Bambang St., Sta. Cruz, Maynila. Kuha ni Jon Jon Reyes

Rider utas sa 6 na bala

April 15, 2024 Jonjon Reyes 119 views

DEAD-on-the-spot ang 23-anyos na lalaki makaraang pagbabarilin ng anim na beses sa corner ng Felix Huertas at Bambang Sts. sa Sta. Cruz, Maynila noong Linggo.

Nakilala ang biktima na si Aaron Gibb Mamucod ng F. Yuseco St., Tondo, Maynila.

Tinatayang nasa 5’7 hanggang 5’9, katamtaman ang katawan, nakaitim na long sleeves, naka short pants at sakay ng motorsiklo ang suspek.

Base sa ulat ni Det. Arvy Macarasig kay Police Captain Dennis Turla, hepe ng Manila Police District Homicide Section, bandang alas-8:50 ng gabi ng tambangan ang biktima sa naturang lugar.

Nakita pa sa CCTV na pumarada ang biktima at ang suspek hanggang sa pinagbabaril ng suspek ang rider at tuluyang humandusay sa kalye.

Nabatid sa report na 6 na sunod-sunod na putok ng baril ang tumama sa iba’t-ibang parte ng katawan ng biktima.

AUTHOR PROFILE