BBM-Sara

Winners and losers

May 11, 2022 Aster Amoyo 540 views

Goma

Loren

Robin

Vico

THE people have spoken and the new leaders were elected. Although wala pang proklamasyon na nangyayari, sigurado na ang panalo ng tambalan nina former Sen. Bongbong Marcos bilang bagong pangulo at si Davao Mayor Sara Duterte as the newly-elected vice president. Maging ang 12 bago at dating senador ay napili na rin. Maraming mga datihang pulitiko ang nahalal sa iba’t ibang posisyon pero marami rin sa kanila ang hindi nakalusot.

Bababa na sa kanyang puwesto si Vice-President Leni Robredo na hindi pinalad na manalong pangulo ng bansa gayundin sina Sen. Panfilo Lacson, Sen. Manny Pacquiao at Manila Mayor Isko Moreno. Hindi rin pinalad sina Senate President Tito Sotto, Sen. Kiko Pangilinan, Dr. Willie Ong at Partylist Representative at dating mayor ng Manila na si Lito Atienza. Hindi naman nakalusot sa pagka-senador ang dating alkalde ng Quezon City na si Herbert Bautista, maging ang mga datihang senador na si naDick Gordon, Antonio `Sonny’ Trillanes, Leila de Lima maging ang dating Partylist Representative na si Neri Colmenares, ang dating Chief of Police na si Guillermo Eleazar, dating DILG Sec. Gibo Teodoro maging ang dating Presidential Spokesperson na si Harry Roque, si Chel Diokno, ang actor na si Monsour del Rosario at iba pa.

Marami ang ginulat ng actor na si Robin Padilla (including himself) nang siya ang manguna sa 12 halal na senador at tinalo pa niya ang mga veteran politician na sinusundan ng veteran journalist-turned politician na si Loren Legarda. Baguhan din sa political arena ang broadcast journalist na si Raffy Tulfo who landed at No. 3. Bago rin sa senado ang dating kongresista at dating DPWH Secretary na si Mark Villar. Tulad ni Loren, balik senado rin sina Sen. Win Gatchalian, Alan Peter Cayetano, Sen. Joel Villanueva, Sen. Risa Hontiveros maging ang magkapatid na Sen. JV Ejercito at Sen. Jinggoy Estrada.

Kung si Robin ang nahalal na No. 1 sa pagka-senador, hindi naman nakalusot ang kanyang nakatatandang kapatid na si Rommel Padilla bilang kongresista ng isang distrito ng Nueva Ecija.

Hindi rin pinalad ang fiancé ng actress na si Snooky Serna na tumakbo sa pagka-kongresista ng ika-6th district ng Bulacan maging ang outgoing vice-governor ng Camarines Sur, ang Jukebox Queen na si Imelda Papin. Hindi rin sinuwerte ang mister ni Ara Mina na si Dave Almarinez sa pagka-kongresista ng unang distrito ng Laguna.

Ang businessman-politician at outgoing congressman ng Ilocos Sur na si Deogracias Victor `DV’ Barbers Savellano (mister ng actress na si Dina Bonnevie) ay natalo ng dating gobernador ng Ilocos Sur na si Ryan Singson, anak ng dati ring gobernador at businessman na si Chavit Singson. Ang misis ni Ryan na si Patricia Savellano ay anak ni Rep. DV Savellano.

Muling nahalal na mayor (for the second time) ng Pasig si Vico Sotto, anak nina Vic Sotto at veteran actress na si Coney Reyes. Na re-elect ding vice mayor ng Quezon City si Gian Sotto, ang only son ni Senate President Tito Sotto na hindi naman pinalad sa kanyang bid for vice-president ng bansa maging ang kanyang ka-tandem na si Sen. Panfilo Lacson na siya namang tumakbo sa pagka-Pangulo.

Kung hindi pinalad si Manila Mayor Isko Moreno na mahalal sa pagka-pangulo, hindi rin nakalusot ang actor na si Raymond Bagatsing sa pagka-vice-mayor ng Maynila na ang nanalo ay ang actor din at dating kongresista na si Yul Servo. Talo rin ang actor-comedian na si Long Mejia na maupong Board Member ng Bulacan. Hndi rin nakalusot sa pagka-konsehal ng 6th district ng Quezon City, ang singer-actress at dating beauty queen na si Ali Forbes maging ang aktres na si Claudine Barretto sa pagka-konsehal ng Olongapo City. Ang iba pang talunan ay ang actor na si Dan Alvaro na tumakbo sa pagka-Board Member ng Bulacan, ang dating ABS-CBN reporter-turned congresswoman ng Laguna na si Sol Aragones bilang governor ng Laguna maging ang kanyang running mate na si Jerico Ejercito (anak ng mag-asawang E.R. Ejercito at Maita Sanchez) na tumakbo naman sa pagka-vice governor. Hindi rin nakalusot ang actress-politician na si Angelica Jones na kumandidato sa pagka-kongresista sa ikatlong district ng Laguna, maging si Richard Yap sa pagka-kongresista ng Cebu at ang dating basketball superstar na si Alvin Patrimonio na tumakbo sa pagka-mayor ng Cainta pati ang singer-actress na si Arci Munoz na kumandidato sa pagka-konsehal ng Cainta. Natalo rin sina Bobby Andrews, Hero Bautista, Melissa Mendez at Roderick Paulate na tumakbo sa pagka-konsehal sa iba’t ibang distrito ng Quezon. Pero nakalusot si Aiko Melendez sa pagka-konsehal maging ang kanyang nobyong si Jay Khonghun ay nanalong congressman ng Zambales. Gayunpaman, maraming celebrities ang nakalusot sa 2022 halalan tulad nina Nash Aguas bilang konsehal sa isang lugar sa Cavite, ang mag-inang Lani Mercado at Jolo Revilla bilang kongresista sa magkaibang distrito ng Cavite, Angelu de Leon bilang konsehal ng Pasig, Jason Abalos bilang Board Member ng Nueva Ecija, maging ang dating director ng “It’s Showtime” na si Bobet Vidanes bilang konsehal ng Pililia, Rizal, at si Lou Veloso bilang konsehal ng isang distrito na Maynila. Na-reelect din sa kanilang last term bilang konsehal ng unang distrito ng Paranaque sina Vandolph Quizon at ang magkapatid na Jomari at Ryan Yllana. Nakalusot din ang magkapatid na Alfred at PM Vargas na nagpalit lamang ng posisyon bilang kongresista at konsehal ng isang distrito ng Quezon City.

Nagpalit din ng puwesto ang mag-asawang Richard Gomez at Lucy Torres Gomez bilang mayor ng Ormoc, Leyte at kongresista ng isang distrito ng Leyte at pareho nanalo.

Panalo rin ang mister ni Mikee Cojuangco bilang vice-mayor ng Pasig na si Dudut Jaworski bilang ka-tandem ni Mayor Vico. Balik naman sa kongreso ang actor na si Dan Fernandez bilang kinatawan ng lone district ng Sta. Rosa, Laguna, maging ang mister ni Rep. Vilma Santos-Recto na si Ralph Recto na siyang may tangan ngayon ng posisyong iiwan ng kanyang misis.

Since tapos na ang 2022 election, sana’y mabalik ang pagkakaisa at kapayapaan ng lahat at suportahan na lamang ang mga bagong lider na maluluklok sa ating pamahalaan.

***

SUBSCRIBE, like, share and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE