Willie

Willie hindi kataka-takang lumipat sa Villar-owned network

February 7, 2022 Aster Amoyo 346 views

HANGGANG Biyernes, February 11 na lamang mapapanood ang daily game show ni Willie Revillame sa GMA Network, ang “Wowowin” na magtatapos na ang kontrata with the TV network sa February 15, 2022.

Malakas ang ugong sa netizens na kaya mawawala ang top-rating daily afternoon game show ni Willie ay dahil lilipat na umano ang game show host at producer sa newly-acquired broadcast network ng pamilya Villar, ang Advanced Media Broadcasting System, Inc. (AMBSI). Ang nasabing kumpanya ang nakakuha ng prime frequency ng ABS-CBN na nawalan ng prangkisa nung May 5, 2020. Binigyan ng National Telecommunications Company (NTC) ng permit ang bagong tatag na broadcast company ng mga Villar na mag-test broadcast simula last Sunday, February 6.

Willie, who owns WBR Entertainment Production, is a close ally of the Villars na pinamumunuan ng dating senador at senate president at businessman na si Manny Villar. Ang Wil Tower na matatagpuan sa harap ng ABS-CBN in Quezon City ay joint venture ng mga Villar at Willie.

Although mga espekulasyon pa lamang ang naglalabasang balita sa paglipat ni Willie sa Advanced Media Broadcasting System, mukhang ito’y may katotohanan. Willie and his game show program ang magiging unang prime show na mapapanood sa dating frequency ng Kapamilya network.

Inaasahan din na mag-a-apply ng trabaho sa bagong bukas na network ng pamilya Villar ang libu-libong nawalan ng trabaho sa ABS-CBN dahil sa pagkawala ng kanilang prangkisa nung 2020.

HeartHeart ayaw pang magsalita tungkol sa Hollywood project

KINUMPIRMA ng Kapuso singer-actress, virtual artist, fashion icon and philanthropist na si Heart Evangelista na meron siyang tinapos na proyekto sa Amerika na nakatakdang ipalabas sa Netflix pero hindi na ibinahagi ang titulo ng nasabing proyekto.

It was sometime in August last year nang magtungo ng Los Angeles, California, USA ang singer-actress for a Hollywood project pero naging tahimik lamang ito tungkol dito. May suspetsa ang netizens na ito’y may kinalaman sa hit TV series on Netflix, ang “Bling Empire” dahil meron siyang post sa kanyang Instagram account na kasama niya ang “Bling Empire” star na si Kane Lim.

Heart is finally back in Manila from Paris, France to celebrate two special events in her life, ang kanyang 37th birthday on Valentine’s day, February 14 and her 7th wedding anniversary with her politician husband na si Chiz Escudero,on February 15.

Si Heart ay kasalukuyang napapanood sa TV series na “I Left My Heart in Sorsogon which she co-stars with Richard Yap and Paolo Contis na magtatapos na sa ere. Ito’y pinamamahalaan ni Mark Sicat de la Cruz under GMA. Ito na rin bale ang magsisilbing last TV soap na gagawin ni Heart.

GabbiGabbi may sisimulang business

HINDI ikinakaila ng 23-year-old Kapuso singer-actress, celebrity endorser and vlogger na si Gabbi Garcia (Gabriella Louise Ortega Lopez) na isa sa kanyang future goals ay makapagpatayo ng sarili niyang business which she’s preparing to start soon.

Although ayaw pang i-reveal ng singer-actress ang nature ng kanyang bubuksang business, isa umano itong franchise na ang produkto ay personal niyang ginagamit at pinaniniwalaan.

Si Gabbi ay isa sa mga prime talents ng GMA, her home studio since 2014 up to the present.

PasadaPasada Babes may adhikain para sa commuters

IT was on February 1 (na itinaon sa Chinese New Year’s celebration) nang ipakilala sa media ang Pasada Babes, ang kauna-unahang all-female commuter dance crew sa Pilipinas na pinangungunahan ni MC Shan Tey. Ang five-member all-Female dance crew ang nasa likod ng hit single na “Papa Pasada” na pwedeng i-download sa iba’t ibang music streaming apps tulad ng Apple Music, Amazon, Spotify at iba’t ibang social media platforms tulad ng Tiktok, Facebook and YouTube.

What makes it distinct sa grupo, sila mismo ang nagku-compose ng kanilang rap songs maging ng kanilang dance choreography.

Ang grupo ay dati nang magkakaibigan na nawalan na gigs dahil sa pandemya. Pero sa tulong ni Dom Chad Hernandez, secretary general ng commuter group na Pasada CC, nabuo ang Pasada Babes para maging tulay at boses sa publiko at sa pamahalaan ang adhikain ng grupo para sa kapakanan ng mga mananakay at transport workers.

Sa magkatulong na efforts ng Pasada Babes at ni Dom, isang signature drive ang kanilang isinasagawa para mapabilis ang kanilang panawagan sa pamahalaan para maisakatuparan ang kanilang tatlong kahilingan: ang makapagpatayo ng commuter-friendly infrastructure para guminhawa ang kalagayan ng mga mananakay; ikawala, ang solusyon sa colorum transport at ikatlo, ang magkaroon ng boses ang pribadong sector sa paggawa ng polisiya na makatutulong sa buhay ng commuters at transport workers.

Subscribe, like, share and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram@asteramoyo, Facebook@asteraamoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE