Piolo

KC, Nami-miss umarte

February 6, 2022 Vinia Vivar 143 views

Inamin ni KC Concepcion na sobrang nami-miss na niya ang show business at ang pag-arte.

As we all know ay kasalukuyang nasa Los Angeles ang dalaga nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion at medyo matagal-tagal na rin siyang naka-stay doon.

Sa kanyang panayam sa vlog na Over a Glass or Two, ayon kay KC ay natutunan na rin niyang mahalin ang pag-arte simula nang gawin niya ang pelikulang Forever and A Day with Sam Milby in 2011 at ang teleseryeng Huwag Ka lang Mawawala with Judy Ann Santos in 2013.

“’Yun ‘yung first two roles na ‘wow, okay I love acting,’ parang na-gets ko na, and then, natututo na ‘ko, may mga pinagdaanan na rin ako in real life, by that time na medyo parang lumalim na siguro ‘yung life experiences ko.

“And you know, ABS-CBN has been super patient with me. They workshop everybody and they teach you the craft kaya mamahalin mo talaga.

“And my mom (Sharon) always taught me the magic of movie making. I grew up na para akong nagpi-film class,” sey ni KC.

Kaya nga raw nagparamdam na rin siya sa mga kaibigan niya rito sa Pilipinas.

“I miss it very much. Actually, nagparinig na ako the other day sa mga friends ko du’n sa Manila na ‘uy, parang gusto kong prumoject,’ sabi ko, ‘parang gusto kong bumalik, nami-miss ko na ‘yung pag-aartista,’” pagbabahagi niya.

Tutal naman daw ay na-establish na niya ang iba niyang mga trabaho at mga sinimulan niyang negosyo, so this time, parang ready na rin daw siyang bumalik sa pag-aartista.

“Parang gusto ko na rin ulit talaga,” she said.

Na-excite naman ang fans ni KC sa kanyang sinabi at ang request nga nila’t pinakaabangan noon pa ay reunion project with ex-boyfriend, Piolo Pascual.

AUTHOR PROFILE