Willie

Willie emosyonal nang magpaalam sa GMA

February 12, 2022 Aster Amoyo 515 views

NAGING emotional ang game 61-year-old game show host-producer na si Willie Revillame sa finale episode ng kanyang daily game show, ang “Wowowin” sa GMA last Friday, February 11.

Almost seven years ding namayagpag sa ere ang “Wowowin” which he co-produced with GMA.

Although naging mabigat ang loob ni Willie na lisanin ang Kapuso network naging tahanan niya at ng kanyang programa ng maraming taon, alam niyang may bagay na hindi maiiwanan tulad ng kanyang pag-anib sa bagong broadcast network ng kanyang close ally, ang business mogul at dating senador na si Manny Villar, ang Advanced Media Broadcasting System (AMBS) na siyang nakakuha ng prime frequency na dating hawak ng ABS-CBN.

Although it will take time for the new broadcast owner to operate the business, ngayon pa lamang ay binubuo na ng dating senador ang mga taong kanyang iluluklok sa bago niyang broadcast business.

May mga balitang lumulutang na ang kanyang close ally na si Willie Revillame ay magkakaroon umano ng mataas na posisyon sa AMBS at kung saan din mapapanood ang kanyang game show program balang araw.

Since libu-libo ang nawalan ng trabaho sa pagkawala ng prangkisa ng Kapamilya network nung taong 2020 nang i-junk ng 70 congressmen ang pag-grant ng bagong prangkisa sa ABS-CBN, tiyak na marami sa mga ito ang mag-a-apply sa bagong tatag na broadcast network company lalupa’t kailangan ang kanilang expertise ng bagong kumpanya ni Villar.

May mga espekulasyon din na isa umano si Toni Gonzaga sa posibleng magkaroon ng programa sa AMBS ngayong nag-quit na ito sa pagiging main host ng franchise reality show, ang “Pinoy Big Brother” ng ABS-CBN.

Dahil sa bagong tatag na AMBS ng mga Villar, tiyak na maraming broadcast and industry workers ang nagkaroon ng pag-asa na muling magkaroon ng trabaho ganoon din ang mga production and technical people, mga artista at iba pa.

Samantala, hindi dapat makalimutan that it was ABS-CBN ang nagbigay ng napakalaking break kay Willie bilang game show host sa pamamagitan ng top-rating noontime show na “Wowowee” na tumagal sa ere sa loob ng limang taon mula February 5, 2005 up to July 30, 2010 which was beamed worldwide thru TFC or The Filipino Channel.

Although naging bahagi si Willie ng noontime show noon ng GMA, ang “Lunch Date,” he just stayed in the show for barely one year nung 1987 and 1988.

Nung 1998 up to 2001 ay naging bahagi rin siya ng noontime program ng ABS-CBN, ang “Magandang Tanghali Bayan” which was renamed and reformatted in 2003 at ginawang “Masayang Tanghali Bayan”.

Sa pagkawala niya sa “Wowowee” ng ABS-CBN, he moved to TV5 in 2010 kung saan siya namalagi sa loob ng tatlong taon until 2013. Tatlong beses nagpalit ang titulo ng kanyang programa over at TV5 mula sa “Willing Willie” to”Wil Time Bigtime” hanggang “Wowowillie”.

Isa rin si Willie sa original host ng franchise reality show ng ABS-CBN, ang “Pinoy Big Brother” na pinagsamahan nilang tatlo nina Toni Gonzaga at Mariel Rodriguez. Ngayon, ang tatlo ay pare-parehong nang wala sa nasabing programa.

RicoRico ‘di na nagtatago dahil kay Maris

MUKHANG malaki ang impluwensya ng 24-year-old ex-PBB housemate-turned singer-songwriter and actress na si Maris Racal sa kanyang 48-year-old singer-songwriter, musician, recording producer, actor at entrepreneur na si Rico Blanco (48) sa pagiging open na nito ngayon sa publiko unlike before when he was just focusing on his music career.

Since very active sa social media si Maris, naging bukas na rin si Rico sa medium na ito maging sa isang social media platform tulad ng YouTube, Instagram, Facebook. Twitter and Tiktok.

Although he is half Maris’ age, Rico admits na ngayon lamang siya naging bukas sa ganitong medium dahil kilala siya sa pagiging isang pribadong tao before.

“It comes with territory, “ he admits.

Sa unang pagkakataon ay magkasama ang real sweethearts sa kanilang kauna-unahang TV series project, ang “The Goodbye Girl,” isang iWant TFC orginal series.

Although nung 2011 pa ang huling TV acting job ni Rico sa pamamagitan ng “Imortal” na tinampukan nina John Lloyd Cruz at Angel Locsin, as early as 1994 ay may ilang pelikula na ring nagawa ang Rivermaya frontman tulad ng “Pare Ko” in 1994, “Istokwa” in 1996, “Nasaan si Francis” in 2006, “Segunda Mano” in 2011, “Liwanag sa Dilim” in 2015 at “Camp Sawi” in 2016.

PioloPiolo1Pia pinalitan si Angelica sa Papa P show

NAPABALITA na si Angelica Panganiban ang makakapareha ng Kapamilya hunk actor na si Piolo Pascual sa gagawin nitong weekly sitcom na “My Papa Pi” na pamamahalaan ni Cathy Garcia-Molina sa Kapamilya network, pero ang latest ay pinalitan umano ang aktres ng dating Kapamilya artist-turned 2015 Miss Universe na si Pia Wurtzbach. Ang nasabing sitcom na tatampukan din nina Joross Gamboa, Pepe Herrera, ex-PBB housemate na si Madam Inutz at iba pa is about to premiere next month (March).

Ang huling acting job ni Pia ay sa pamamagitan ng pelikulang “My Perfect You” na pinagtambalan nila ni Gerald Anderson at pinamahalaan ng box office director na si Cathy Garcia-Molina and was shown in March 2018. Ang nasabing pelikula ang pinagmulan ng unang break-up ng magkasintahan pa noon na sina Bea Alonzo at Gerald but later on reconciled . Pero the following year, 2019, tuluyan nang nagkahiwalay ang dalawa nang pumasok sa buhay ng actor si Julia Barretto na nakatrabaho niya sa pelikulang “Between Maybes” na dinirek ni Jason Paul Lacsamana under Star Cinema at ipinabalas nung May 2015.

Samantala, unknown to many, si Pia ay dating Kapamilya talent bago pa man siya sumali sa Bb. Pilipinas pageant in 2015.

Taong 2001 nang magsimula si Pia sa bakuran ng ABS-CBN sa pamamagitan ng youth-oriented program na “Click”. Ang ilan pang TV series na kanyang ginawa include “k2BU,” “It Might Be You,” “Bora Suns of the Beach,” “Sa Piling Mo” at “Aryna” in 2012. Nakagawa rin siya ng ilang pelikula tulad “Kung Ano Na Lang Sana” in 2003, “All My Life” nung 2004, “All About Love” in 2006 at ang “Gandarrapido: The Revengers Squad” na pinagtambalan nila Vice Ganda and her first movie matapos siyang tanghaling Miss Universe in 2015 at kasunod na rito ang “My Perfect You” nila ni Gerald in 2018.

Subscribe, like, share and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE