Kim

Kim, dalawa ang kaagaw kay Xian sa V-Day

February 11, 2022 Vinia Vivar 371 views

Sa digital mediacon ng upcoming horror film na Bahay na Pula ng Viva Films, ikinuwento ng isa sa mga bidang si Xian Lim ang creepy experience niya habang nagsu-shooting sila sa Pola, Mindoro.

Simulang kwento ni Xian, ‘yung bahay na pinagsyutingan nila ay 10 years nang hindi napapasok o natitirahan kaya nagpa-blessing pa raw si Direk Brillante Mendoza bago nag-shoot.

“Very open naman ‘yung mga caretaker na sinabing may mga namatay na nga roon sa bahay, even noong panahon ng Hapon, I think. Talagang it has a rich history, ‘yung bahay,” sey ng aktor.

“I remember, dala ko ’yung camera ko, nag-video-video ako, tapos ’yung files ko, pagbalik sa hotel, nabura. Nabura lahat. Kasi parang hina-house tour ko ‘yung bahay.

“So, sabi ko, ‘Direk (Brillante), ano kaya ang ibig sabihin nito? Baka ayaw lang talaga magpa-video,’” kwento ni Xian.

Kaya sey daw sa kanya ni Direk Brillante ay huwag na ngang ituloy ang pagvi-video dahil baka may sumunod pa sa kanilang kung anong elemento sa pagbabalik nila sa Manila.

Natawa naman si Xian nang matanong kung ano ang mas nakakatakot, ang pagsu-shooting nila sa Bahay Na Pula o nang ipasok niya ang kanyang ulo sa bunganga ng buwaya?

Matatandaan na nasugatan si Xian nang ipasok niya ang ulo sa bunganga ng fake na buwaya sa Zoobic Zafari sa Subic, Zambales.

“For me, mas nakakatakot ’yung ipinasok ko ’yung ulo ko kasi pagkabunot… ang baboy pakinggan, pagkabunot ko sa ulo ko, dumudugo. Sumabit ’yung ngipin sa ulo,” natatawang sabi ni Xian.

Samantala, dahil nalalapit na ang Valentine’s Day natanong ang mga cast kung ano ang plano nila sa espesyal na araw na ‘yun at siyempre, given na ngang ang girlfriend na si Kim Chiu ang kasama niya, meron pa bang iba?

“I really don’t like planning Valentine’s kasi I think it’s more of gusto ko either a day or before or two days before.

“Two days nga, parang matagal na, pero definitely, I’ll be spending time with the people closest to me, especially my mom and lola. I’m at a point in my life na gusto ko silang iikot, especially nu’ng nangyari itong pandemic.

“Life is really short and I just wanna give all the love and attention to my mom and lola and be with them as much as possible.

“And, of course, my special someone rin, I will be with her so sama-sama kaming tatlo,” sabi ni Xian.

Mapapanood na ang Bahay Na Pula simula sa Feb. 25 sa Vivamax Philippines, Hong Kong, Taiwan, Thailand, Malaysia, Indonesia, Singapore, Japan, South Korea, Macao, Vietnam, Brunei, Maldives, Australia, New Zealand, the Middle East, Europe, Canada at USA.

Kasama ni Xian sa pelikula sina Marco Gumabao at Julia Barretto.

AUTHOR PROFILE