Whamos

Whamos, Antonette nalula sa P300K na regalo kay Baby Meteor

May 28, 2023 People's Tonight 400 views

NAGPASALAMAT ang vlogger couple na sina Whamos Cruz at Antonette Gail para sa mga regalong tinanggap ng anak nilang si Baby Meteor sa katatapos na binyag nito.

Sa unboxing video, buhat pa ni Antonette si Baby Meteor habang isa-isang inuukilkil ang mga regalo.

Bukod sa gift items, tumanggap din ang bagets ng gift checks at cash.

“‘Yung natanggap na cash ni Baby Meteor ilalagay namin sa bank, kasi hindi naman talaga sa amin ‘yan,” ani Antonette.

“‘Yung mga hindi nakapunta na nagpadala pa rin ng kanilang regalo, cash man ‘yan o hindi, siyempre maraming salamat pa rin sa inyo. Thank you, thank you! Hindi kami nagtatampo sa inyo dahil alam namin na babawi naman kayo sa susunod o sa 1st birthday ng inyong inaanak,” sabi naman ni Whamos. Fides Lorraine Geronimo (OJT)

AUTHOR PROFILE