Wendel

Wendell, natiis na wala sa panganganak ng misis

January 12, 2022 People's Tonight 1084 views

TINIIS ng Kapuso actor na si Wendell Ramos na hindi masamahan ang asawang manganganak dahil nasa lock-in taping siya ng Kapuso afternoon series na Prima Donnas 2.

Ayon ito kay Direk Gina Alajar sa virtual mediacon ng series.

“Katrina (Halili) naman was in pain kaya she has to leave kasi she’s in pain.

“I want to thank the team dahil everybody contributed upang maging maayos ang taping namin for 82 days! Kami na yata ang may pinakamahabang lock-in taping,” saad pa ng direktora.

Malaking tulong din daw ang pagiging madasalin ni Direk Gina.

Ayon kay Wendell, “Before we roll each day, we have our praise and worship and we’re so blessed we have Direk Gina who believes in the power of prayer.”

Naging maayos naman ang kalagayan ng partner ni Wendell habang si Katrina ay maayos na rin ang kalusugan.

Ang Prima Donnas 2 ay isa sa bagong Kapuso shows na pasabog ng network ngayong first quarter ng taon.

Ang iba pang shows na aabangan sa GMA ay 24/7 nina Kris Bernal at Rhian Ramos; My First Lady nina Gabby Concepcion, Sanya Lopez at Alice Dixson, at marami pang iba.

TVJTVJ, MAGSI-CELEBRATE NG GOLDEN ANNIVERSARY

MALAPIT nang mag-50 years sa telebisyon ang Eat Bulaga.

Twenty-seven years na ito sa GMA at umaasa ang EB Dabarkads na sa GMA ang selebrasyon ng programa ng golden year.

Nag-renew ng kontrata kamakailan ang Bulaga sa Kapuso network.

Eh, bago ang 50th year ng programa, una munang magsi-celebrate ng golden year ang Tito, Vic and Joey mula nang magsimula sa show na Okay Lang.

Pero wala pa ring kapaguran ang tatlo at kasama pa rin sa pagpapasabog ng isang libo’t isang tuwa sa manonood tuwing tanghali. Ni Jun Nardo

AUTHOR PROFILE