Denjen

Wedding pic, binura ni Jennylyn

November 16, 2021 Ian F. Fariñas 108 views

IKINASAL nga ba?

’Yan ang tanong ng marami matapos lumitaw at bigla ring maglaho ang litrato ng diumano’y civil wedding nina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo sa mismong Facebook page ng aktres nu’ng Lunes ng gabi.

As of presstime, pati ang kampo ni Jennylyn, walang maibigay na diretsong sagot sa entertainment writers tungkol sa nasabing pagpapakasal ng kamakailan lamang ay na-engage na showbiz couple.

Wala ring paliwanag kung bakit nagdesisyon si Jennylyn o ang admin ng kanyang Facebook page na burahin ang “civil wedding” post na may caption pang “forever, you and me.”

Matatandaan na kailan lamang inamin nina Dennis at Jennylyn ang pagiging engaged pati na ang tatlong buwan na pagbubuntis ng aktres na naging sanhi ng pagkakaudlot ng GMA serye niyang Love. Die. Repeat. kung saan kapareha niya ang bagong Kapuso na si Xian Lim.

AUTHOR PROFILE