Rayver

Rayver at Julie Anne fans, nagkaroon ng pag-asa

November 17, 2021 Aster Amoyo 111 views

NGAYONG kumpirmado na ang paghihiwalay ng dating magkasintahang Janine Gutierrez at Rayver Cruz, nagkaroon naman ng pag-asa ang fans nina Rayver at kapwa Kapuso singer-actor na si Julie Anne San Jose na i-link sa isa’t isa ang dalawa na matagal-tagal na ring magkasama bilang hosts ng “The Clash” maging ng Sunday musical show ng GMA, ang “All Out Sundays”.

Parehong loveless ngayon sina Rayver at Julie Anne at constant na magkasama kaya hindi rin kami magtataka kung pagtatambalin ang dalawa sa isang serye.

Ang buong akala ng marami ay si Janine na ang babaeng iuuwi ng singer-actor na si Rayver sa kanyang bagong tahanan pero hindi ito nangyari kaya umaasa ang JulieVer fans na sana’y ang singer-actress na si Julie Ann na ang makatuluyan ng singer-actor.

RichardJoshuaRichard nagsampa ng kaso laban sa lalaking nagki-claim na anak niya

ISANG reliable source ang nagpaabot sa amin ng balita na nag-file na rin umano ang Kapuso actor at businessman an si Richard Yap ng demanda against kay Joshua Paulo Jensen, ang 24-year-old na nagki-claim na anak umano niya sa isang nagngangalang Cherrymay Jensen.

Last October 8 ay nag-file si Joshua sa Cebu Regional Trial Court ng paternity acknowledgment at affiliation. Hindi naman nabanggit ng aming source kung sa Cebu rin nagsampa ng demanda ang Cebuano actor at businessman.

KatrinaKatrinaKatrinaKatrina humihingi ng privacy sa pagkamatay ng mister

ISANG official statement ang aming natanggap mula sa tinaguriang `Suklay Diva’ at Viva recording artist na si Katrina Velarde-Shapiro (sa pamamagitan ng Viva’s Corporate PR head na si Baby Gil) na may kinalaman sa pagpanaw ni Michael ‘Mike ‘ Shapiro, mister ng singer-performer. Si Mike ay veteran American musician and educator (and ex-husband of German popular jazz artist na si Kevyn Lettau) na sumakabilang-buhay last Sunday, November 14 sa edad na 57.

“It is with deep regret that I wish to announce the passing of my husband, musician and educator Mike Shapiro last November 14 in Quezon City, at the age of 57. Mike was a drummer, percussionist and music producer who recorded and toured extensively with Sergio Mendes and other music stars like Natalie Cole, Al Jarreau, Flora Purim, will.i.am and others. He was also a close associate of Herb Alpert with whom he worked for many years until the time of his death. He taught at the L.A. Academy of Music where he was also Vice President, Director of Education and Dean of Students. He was also a professor at the Herb Alpert School of Music.

“Prayers for the repose of his soul are most appreciated and I would like to request for privacy during this difficult time.

“Thank you.”

Si Katrina ay ikinasal sa kanyang husband na si Mike last May 2021 sa Tagaytay City kaya halos anim na buwan pa lamang silang nagsasama as a married couple.

Katrina rose to fame in 2013 nang mag-viral ang kanyang in-upload na video na kinakanta ang “Dangerously In love” ni Beyonce gamit ang isang plastic na suklay as her microphone. Ang nasabing video ay napanood ng popular American singer, songwriter, record producer and graffiti artist ni Chris Brown at ng guitarist ni Beyonce na si Bibi McGill at naging daan para maimbitahan siya ng veteran American TV host sa kanyang programa, ang The Ellen DeGeneres Show. Pero hindi ito napuntahan ng singer-performer dahil sa kanyang sakit na Bell’s Palsy.

Ang singer-actress ay ipinanganak at lumaki sa Tondo, Manila kung saan siya nagtinda dati ng sampaguita na gawa ng kanyang ina para makatulong sa kanilang pamilya. Pitong taong gulang pa lamang noon si Katrina ay sumasali na siya sa iba’t ibang singing competitions. Nung 2012 ay sumali siya sa unang season ng “The X Factor Philippines” kung saan siya siya naging bahagi ng grupong A.K.A. Jams sa ilalim ng team ni Gary Valenciano. Naging bahagi rin siya ng New Born Divas at sila’y sumali sa “Talentadong Pinoy” ng TV5. Nung maliit pa siya ay sumali rin siya sa “Little Big Star” kung saan niya nakapanabayan sina Charice Pempengco (now Jake Zyrus) at Sam Concepcion.

Si Katrina ay recording artist ng Viva Records kung saan siya naglabas ng kanyang debut album in January 11, 2019 na pinamagatang “SiKat Ako” na siya ring titulo ng kanyang dalawang magkasunod na concert sa New Frontier Theater nung February 2, 2019 at November 29, 2019. Nung nakaraang August 28, 2021 ay nagkaroon siya ng digital concert na pinamagatang “Four Hearts”.

DiegoDiego at Barbie ipinakita sa media kung gaano ka-in love

SA darating na December 11, 2021 ay first anniversary ng young actors na sina Diego Loyzaga (26) at Barbie Imperial (23) bilang magkasintahan kaya ang kanilang first movie together, ang romance-drama film na “Dulo” mula sa panulat at direksiyon ng ex-PBB housemate-turned actor-director na si Fifth Solomon ang magsisilbi nilang first anniversary gift dahil nakatakda itong ipalabas sa Vivamax streaming app on December 10, 2021.

During the digital presscon ng pelikulang “Dulo,” kitang-kita sa dalawa ang kanilang pagiging in-love sa isa’t isa na na-witness ng mga um-attend na entertainment media and vloggers.

Kung nung December 11, 2020 naging opisyal ang relasyon ng dalawa, it was only on New Year’s day (January 1, 2021) nang magsimula silang i-share sa publiko ang kanilang relasyon.

First time na nagtambal sa pelikula sina Diego at Barbie kaya pareho silang na-excite na may halong kaba. Although kumportable sila sa isa’t isa, there were heavy scenes na hindi umano sila nag-uusap para maibigay nila ang emosyon na hinihingi ng kanilang respective roles as Dex and Bianca. May time pa nga raw na dala-dala nila ang kanilang character sa bahay na kahit papa`no ay nakaapekto sa kanila.

Since close na magkaibigan sina Direk Fifth at Barbie, nawala rin sa kanila ang ‘ilangan factor’ bilang director at actor.

Puring-puri rin ng magkasintahang Diego at Barbie ang kanilang writer-director friend dahil napaka-realistic ng pagkakalatag ng kuwento ng pelikula. Ibinalik din ni Direk Fifth ang papuri sa dalawa dahil sa kanilang pagiging collaborative habang ginagawa nila ang pelikula.

Makaka-relate umano ang mga manonood sa pelikulang “Dulo” dahil ang kanilang mapapanood ay nangyayari sa totoong buhay.

Ayon sa magkasintahan, nag-workshop din umano sila para magampaman nila nang tama ang kanilang respective roles laluna dun sa confrontation scenes.

Samantala, inamin ng binata nina Cesar Montano at Teresa Loyzaga na gustung-gusto umano niya ang pagiging sobrang caring at organized ng kanyang girlfriend na si Barbie. Kitang-kita naman ni Barbie ang pagiging passionate ni Diego sa kanyang craft at pagi-effort sa maraming bagay. Just like other young couples, nagkakaroon din umano sila ng kaunting away at tampuhan pero hindi umano nila ito tinutulugan nang hindi naaayos ang problema.

Nagpapasalamat din sina Diego at Barbie na pareho silang close sa kanilang respective families laluna sa kanilang mga ina.

Although hindi pa naipapalabas ang “Dulo” movie, may follow-up project na ang dalawa sa bakuran pa rin ng Viva Films.

Subscribe, like, share and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebooxk@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE